Joey de Leon's mother dies at 93

IMAGE Screen grab from Eat Bulaga

Joey de Leon still reports for work despite mourning his mother's passing. Mrs. Emma de Leon passed away Sunday night, February 10. She was 93.


The show must go on for Joey de Leon.

Kahit nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina, nag-report si Joey sa live telecast ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, February 11.

Sumakabilang-buhay kagabi, February 10, ganap na 10 P.M., si Mrs. Emma Manahan Ramos-De Leon, ang 93-year-old mother ng television host-comedian, na kilala bilang Henyo Master ng Philippine entertainment industry.

Bakas sa mukha ni Joey ang lungkot na nararamdaman sa pagpanaw ng kanyang ina, pero idinaan niya sa biro ang mga sagot sa pakikiramay ng Eat Bulaga! co-host na si Vic Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Vic Sotto and Joey de Leon
 IMAGE Screen grab from Eat Bulaga

"Kasama niya uli ang tatay ko, baka mag-away uli yun.

"Birthday nga niya sa March 31, e, ayaw na niyang mag-94.

"Mahihirapan na siyang mag-blow ng cake, wala nang hininga.

"So, Ma, ipagdasal mo na lang kami dito," pabirong sabi ni Joey tungkol sa pagkawala ng nanay niya.

Bago ang appearance niya sa Eat Bulaga! ngayong hapon, nag-post si Joey sa kanyang Instagram account ng litrato ng mahjong set.

Caption ni Joey rito: "Wala nang maka-quorum sa mahjong ang ermats ko kaya nag-last jai-alai na kagabi! Love you Ma! Together again sila ni Papa Pepe! Play este, PRAY for us!”

Nakaburol ang mga labi ni Mrs. De Leon sa Faith Chapel ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City, pero hindi pa napagdedesisyunan ang araw ng libing niya.

Si Mrs. De Leon ay nakatatandang kapatid ni Mommy Elvie, ang reality television star na ina ng comedian na si Ariel Villasanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Breast cancer ang ikinamatay ni Mommy Elvie noong February 8, 2013; at February 10, 2018 naman ang araw ng pagpanaw ng nanay ni Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN