Ogie Diaz reacts to negative reactions to LizQuen admission

IMAGE Courtesy: Ogie Diaz on Facebook

Ogie Diaz on Liza Soberano and Enrique Gil's confession about their two-year-old relationship: "Basta ang mahalaga, happy ang karamihan, lalo na ang mga LizQuen fans. At in fairness, kinilig pa sila sa pag-amin na 'yon. At least, maraming napangiti ang loveteam, so sana good vibes na lang."


Inalmahan ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz ang negatibong reaksiyon ng ilang netizens tungkol sa pag-amin nina Liza Soberano, 21, at Enrique Gil, 26, sa kanilang relasyon.

Si Ogie ang tumatayong talent manager ni Liza, katuwang ng Star Magic.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice (GGV) kagabi, February 10, umamin sina Liza at Enrique na mahigit dalawang taon na ang kanilang relasyon.

Ayon sa ilang netizens, kaya siguro umamin ang dalawang Kapamilya stars ay dahil may ipinu-promote silang pelikula, ang Alone/Together, na ipalalabas sa February 13.

Ngayong madaling-araw ng Lunes, February 11, sinagot ni Ogie ang mga katanungan ng netizens kung bakit umamin bigla sina Liza at Enrique—kilala rin sa kanilang love team na LizQuen—sa estado ng relasyon nila.

“Bakit umamin? Ah, kasi may movie na ipino-promote?"

"Makakatulong ba 'yung pag-amin nilang more than two years na sila para maging mapayapa ang Mindanao?"

"So, kung sila na? Bababa na ba ang presyo ng gasolina at bilihin? Tataas na ba ang minimum wage? Matatapos na ba ang tigdas outbreak?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Yan yung mga nababasa kong comments ng ilang netizens matapos umamin for the first time sa Gandang Gabi Vice sina Enrique Gil at Liza Soberano na matagal na silang may relasyon."

Sagot dito ni Ogie, “Okay. Una, sa social media naman ay you really cannot please everybody.

“Pero kailangang intindihin na iba-iba naman ang take at stand ng tao sa mga political issues o kahit sa showbiz issues.

“That's understandable. Kaya unawang-unawa ko naman 'yan.”

THE SHOW OF VICE GANDA

Binigyang diin ni Ogie na ang Gandang Gabi Vice ay isang palabas kung saan inuungkat talaga ng host na si Vice Ganda ang itinatagong sikreto ng mga panauhin nito sa show.

Saad ni Ogie, “Ang GGV ay iba ang konsepto, eh.

“Dito talagang hindi papayag si Vice Ganda na hindi lumabas ang totoo.

“Otherwise, kailangang me mapiga siyang ‘sustansiya’ sa mga nagge-guest sa kanyang show kung ayaw pang umamin.

“Dahil may ipino-promote, kaya umamin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung walang ipino-promote at umamin, ang kasunod nang mga hanash diyan ay, ‘Hindi kasi pinag-uusapan, kaya umamin?’ or ‘Bakit umamin eh wala namang ipino-promote na movie?’

“So, hindi mo talaga alam kung saan ka lulugar.

“Punta ka sa kanan o kaliwa, tiyak mahuhulog ka pa din.

“Dumedma ka, me sasabihin pa rin sila.

“So, ngayong umamin ang LizQuen, me sinasabi pa din 'yung iba, hahahaha!

“Anyway, okay lang 'yan. Pasensiya na po sa naapektuhan ng kanilang pag-amin.

“Kung iniisip n'yong may ipino-promote na Alone/Together 'yung dalawa kaya umamin, eh opinyon n'yo na po 'yan.

“Sila lagi ang magkasama eh what do you expect?

“Ano bang gusto nilang itanong ni Vice Ganda? Kay Liza, kung kumusta na ang friendship nila ni Daniel Padilla o kaya si Enrique kay Kathryn Bernardo, ganun ba?”

OTHER VIRAL SHOWBIZ NEWS

Kasunod nito, sinabi ni Vice na may ilan din siyang nabasang magagandang komento tungkol sa pag-amin ng LizQuen at sa paghahalintulad nito sa iba pang viral showbiz news na wala namang katuturan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Ogie, “Again, kung naapektuhan 'yung iba at nagkaroon pa ng pribilehiyo na mam-bash eh tanggapin na lang ang katotohanang hindi talaga pare-pareho ang mga tao.

“Basta ang mahalaga, happy ang karamihan, lalo na ang mga LizQuen fans.

"At in fairness, kinilig pa sila sa pag-amin na 'yon. At least, maraming napangiti ang loveteam, so sana good vibes na lang.

“Meron pa nga akong nabasang isang comment na natawa ako, eh.

"Ang sabi, 'Mas okay na 'yung umamin ang LizQuen kesa du'n sa mga na-viral na news na, Jak Roberto at Barbie Forteza, hindi mag-e-exchange gift ngayong Pasko at 'yung Andrea Torres, naiyak dahil hindi na-perfect ang luto ng kare-kare.

“Anyway, watch na lang tayo para makiluha, kiligin at mainlab uli this Feb. 13 na. #AloneTogether #JakAndBarbiePlanongManoodTogether #AndreaTorresKayaNangLutuin #AngKarekareAlone.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close