Ai-Ai delas Alas tells bashers to stop mistaking husband Gerald Sibayan for her son

IMAGE @msaiaidelasalas Instagram

Ai-Ai delas Alas is fed up with bashers criticizing her and husband Gerald Sibayan's age gap: "Mag move on na mag isip naman kayo ng ibang bash ang lumaaaaaaaa!!!!!!"


Hindi pinalampas ni Ai-Ai delas Alas ang patutsada ng ilang netizens tungkol sa age gap nila ng mister niyang si Gerald Sibayan.

Sa mismong Instagram post niya ngayong Martes, February 12, sinabi ni Ai-Ai na marami pa ring bumabatikos na parang anak na niya si Gerald.

Si Ai-Ai ay 54 years old, habang si Gerald ay 25 years old.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng mag-asawa ang kanilang "58th monthsary," kabilang ang panahon na sila'y naging magkasintahan.

Ikinasal sila noong December 12, 2017. 

Pahayag ni Ai-Ai, "Dun sa mga bashers na nag co comment ng anak ko si gerald jusko mag move on na mag isip naman kayo ng ibang bash ang lumaaaaaaaa!!!!!!

"ANG BOBONG COMMENT -- isip naman ng bago ---Millenial na o .. sumabay naman kayo sa bago!!!!!" 

Kalakip nito ang lumang litrato nina Ai-Ai at Gerald.

Pabirong hirit pa ng Comedy Queen: "anyways HAPPY MONTHSARY NAK [laughter with tears emoji] ay KUYA PALA HEHEHE @gerald_sibayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng babala ni Ai-Ai, may isang netizen ang nagkomento sa litrato nila ni Gerald na "pogi" ang hitsura ng "anak" ng Comedy Queen.

Buwelta ni Ai-Ai, "ang aga aga paulit ulit mag basa ka muna ng caption o."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pang netizen ang nagsabing hindi anak, kundi "boyfriend" ni Ai-Ai si Gerald.

Paglilinaw ulit ni Ai-Ai, "asawa ko sya hindi ko sya boyfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinegundahan ito ni Gerald at buong pagmamalaking sinabing asawa niya si Ai-Ai.

"Ay asawa po niya ako wala po ba kayong tv o news paper? Kinasal na po kami dec. Last year po.

"May celphone naman po pala ako mag google po kayo. 5years na dn po kami nag sasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay nag "i love you" si Gerald kay Ai-Ai.

"Happy monthsary my wife :) i love you so much darl [kisses emoji]," dagdag ni Gerald.

Sagot ni Ai-Ai, "@gerald_sibayan labyu darl."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN