Monsour del Rosario wants to do local version of The Expendables with veteran action stars

IMAGE Jerry Olea

Actor-turned-politician Monsour del Rosario on doing action movies again: "Para ipakita natin sa mga kabataan, ito ang mga totoong action stars. Ganitong mga akting, ganitong mga galaw, ganitong mga kilos."


Kinumpirma ni Monsour del Rosario, 53, na may alok si Ronnie Ricketts, 53, para magbida silang tatlo ni Robin Padilla, 49, sa isang action movie.

“Si Robin, si Rockets [palayaw ni Ronnie], saka ako—sabi ko, parang mahirap yata.

“Kasi, ang schedule...” sambit ni Monsour nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa office niya sa Makati City, nitong Pebrero 10, Linggo ng gabi.

Sabi naman daw sa kanya ni Ronnie, “‘Tatlo tayong bida. Hindi naman solo. So, hindi mo kailangang mag-shooting araw-araw.’

“Sabi ko, ‘Sige, ihati natin yung pelikula. One third, one third, one third or something.’

“Sabi ko, ‘Bakit hindi tayo gumawa ng parang Expendables, na parang Stallone, yung matatandang action stars, magsama-sama uli, di ba?’”

Ang The Expendables ay action film series na pinangunahan ni Sylvester Stallone na ipinalabas noong 2010, 2012, at 2014.

Sinu-sino pa ang gusto niyang makasama sa veteran action stars?

Napangiti si Monsour at sinabing, “Kung sino pa yung maganda ang katawan at may hitsura! Yung iba kasi, lumobo na, e!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Jeric [Raval], OK. Si Kuya Lito [Lapid]. Si Bong [Revilla]. Si Jinggoy [Estrada]. Si Edu [Manzano]. Gumawa tayo ng parang Expendables.

“Sina Sylvester Stallone, Dolph Lundgren... e, 70 years old na ang mga yun, e... e, kami, nasa 50s lang kami, di ba?

“So, gawa tayo ng ganun. Yun, medyo OK.

“Masaya kasi yung ganun, magsama-sama yung old school action stars,” sabi ng actor-politician, na tatakbo sa pagka-vice mayor sa Makati City sa darating na mid-term elections.

Dagdag ni Monsour, “Para ipakita natin sa mga kabataan, ito ang mga totoong action stars. Ganitong mga akting, ganitong mga galaw, ganitong mga kilos.

“Kasi, nawala na yung mga... wala na si Baldo [Marro]. Wala na si Kuya Daboy [Rudy Fernandez]. Wala na si Tito Ronnie [Fernando Poe Jr.], di ba?

“Yung mga haligi ng aksyon, nawawala na.

“Kaya sabi ko nga kay Binoe [Robin Padilla], ‘Pare, ikaw na lang ang natitira sa amin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako, congressman na. Sina Bong at Jinggoy, nag-senador na.

"Si Lito Lapid, nag-senador na, although nag-Probinsyano siya for a while.’

“Sabi ko, ‘Sana, makagawa tayo ng parang Eagle Squad dati.’ ‘Yan, gusto ko yun. Pwede naman, e!”

Ang iba pang veteran action stars na pwedeng makasali sa local version ng Expendables ay sina Phillip Salvador, Efren Reyes Jr., Daniel Fernando, at Dan Fernandez.

Sumubok ding mag-aksyon sina Richard Gomez at Gabby Concepcion pero mas kilala sila sa drama projects.

A POLITICIAN'S LIFE

Noong congressman si Monsour, nakatapos siya ng dalawang pelikula—Blood Hunters na kinunan sa Morong, Bataan, at Trigonal na kinunan naman sa Bacolod.

Parehong ipinalabas ang dalawang pelikula noong nakaraang taon.

“Monday to Wednesday, nasa Congress ako.

"Wednesday night, biyahe na ako pa-location. Thursday to Sunday, shooting…" kuwento pa ni Monsour.

“Sunday ng gabi, balik ako ng Makati.

“Monday morning, punta na ako ng Congress. Trabaho na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun ang routine ko habang may shooting.”

OK lang kay Monsour sakaling alukin siya ng drama o romantic movie, kahit makatambal pa ang ex niya.

“OK lang siguro. Trabaho naman iyan, e,” pahayag niya.

“May mga asawa naman sila.”

Tatakbo sanang senador si Monsour, pero kinuha siyang kandidato sa pagka-vice mayor.

Sa tingin niya ay mas makakatulong siya sa mga taga-Makati City sa puwestong iyon kaya napahinuhod siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN