Mika dela Cruz defies cliché about successful career, zero love life

IMAGE Noel Orsal

Mika dela Cruz on Kara Mia being pitted against Ang Probinsyano: "Wala naman po sa amin [naghahangad] na matalo sila. Ang sa amin lang, mapakita namain yung kuwento ng bawat karakter, makilala nila si Kara at Mia, makapag-inspire. At laban lang, lalaban lang po kami."


Hindi naniniwala si Mika dela Cruz, 19, sa kasabihang kung maganda ang takbo ng career ng isang artista ay hindi masaya ang buhay pag-ibig nito.

Noong October 2018, inamin ng Kapamilya actor na si Nash Aguas, 20, na girlfriend na niya ang dating Kapamilya actress ay ngayo'y Kapuso nang si Mika.

Pahayag ni Mika, “Opo [hindi ako naniniwala dun], hindi po totoo yun.

“It takes the right people po para makundisyon ka, para maging best version ka ng sarili mo.

“And, I think, ito yung best version ko ng sarili ko.

“So far, masaya po ang love life ko, masaya po ang career ko.”

Hindi raw inaasahan ni Mika na magiging ganito kasaya ang kanyang love life at kaganda ang itatakbo ng showbiz career niya.

Saad niya, “Actually, parehong unexpected yung pangyayari, e.

“So I’m very, very happy, kasi naging okay yung end ng 2018 ko and sobrang ganda ng bungad sa akin ng 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi po totoo yun.

“Tamang tao lang po yung kailangan natin sa buhay natin para maging best version tayo ng sarili natin.”

Kumusta na sila ngayon ng kanyang boyfriend of three months?

Kinikilig na tugon ni Mika, “Happy po, wala pong problema.

“Masayang-masaya po siya.

"Tinutulungan po niya ako sa role ko dahil ano siya, e, nagdidirek—director na po siya ngayon.

“So, kinakausap niya ako, ‘Dapat ganito yung gawin mo para mas mapaganda. Dapat ganito yung gawin mo sa bawat eksena.'

"So, nakakatuwa po kasi sobrang nakaka-inspire, gusto niya akong tulungan at masaya siya para sa akin.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mika pagkatapos ng grand media conference ng Kara Mia sa isang events place sa Quezon City kagabi, February 12.

KARA MIA VS. ANG PROBINSYANO

Blessed din daw si Mika na pinagkatiwalaan siya ng GMA-7 sa isang malaking proyekto, katulad ng prime-time series na Kara Mia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ito ng dalawang taong may magkaibang pag-iisip at kilos na na-trap sa iisang katawan.

Sila ni Barbie Forteza ang gumaganap sa title roles.

Ayon kay Mika, “First title role ko na teleserye.

“Masaya po, actually hindi ko nga ini-expect na mabibigyan pa ako ng ganitong role.

"Masaya po na minsan na hindi ka nag-i-expect 'tapos makukuha mo, mas masaya.”

Sa February 18 na magsisimulang umere sa GMA Telebabad ang Kara Mia, katapat ang matatag na teleserye ng ABS-CBN na Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ni Mika, “Well, sa amin, wala naman po sa amin [naghahangad] na matalo sila.

"Ang sa amin lang, mapakita namin yung kuwento ng bawat karakter, makilala nila si Kara at Mia, makapag-inspire.

"At laban lang, lalaban lang po kami."

Kasama rin sa Kara Mia sina John Estrada, Carmina Villarroel, Glydel Mercado, Jak Roberto, Paul Salas, Mike Tan, Liezel Lopez, Althea Ablan, Karenina Haniel, Arthur Solinap, April Gusto, Alicia Alonzo, at Gina Pareño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Ito ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN