Bibeth Orteza wants people to remember Armida Siguion-Reyna as "someone who fought for films"

IMAGE Facebook (Bibeth Orteza) / Instagram (@crisvillonco)

Writer-director Bibeth Orteza (left) on late mother-in-law Armida Siguion-Reyna: "I want her to be remembered as someone who fought for films not only hers. Kasi she believed in artistic community. She was at the forefront of bringing Filipino films abroad, post-Lino Brocka."


Matapang, may malasakit sa kapwa, at ginagawa ang tingin ay tama.

Ganito inilarawan ng scriptwriter-director na si Bibeth Orteza ang kanyang yumaong biyenan—ang batikang singer-actress na si Armida Siguion-Reyna. 

Pumanaw si Armida nitong Lunes, February 11, sa edad na 88.

Si Bibeth ay asawa ng panganay na anak ni Armida, ang film director na si Carlitos Siguion Reyna.

“She was a loving lola, full of sense of humor,” pahayag ni Bibeth tungkol sa kanyang biyenan nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa burol ng veteran singer-actress sa Heritage Memorial Park, sa Taguig City, Martes ng gabi, February 12.

Ang dalawang kilalang apo ni Armida ay ang singer-actress na si Cris Villonco at ang aktor na si Rafa Siguion-Reyna.


Stories We Are Tracking

Armida Siguion-Reyna passes away at 88
Armida Siguion-Reyna passes away at 88

GREATER PURPOSE

Bilib daw si Bibeth sa kanyang biyenan dahil sa paniniwala nitong maglingkod sa mas nakararami.

Lahad niya, “Dati kasi meron siyang apartment sa New York.

"And then, I used to wonder before Carlitos and I got married... Sabi ko, ‘Why does she have to go to another country and then cook and clean?' Siya ang gagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya [Armida], 'Because you need that. Kailangan hindi ka pinagsisilbihan lang basta-basta ng mga tao.' Talagang ginagawa niya yun.”  

Saludo rin daw si Bibeth kay Armida sa magandang pagpapalaki nito sa kanyang mga anak.

Aniya, “She inculcated even in her children hindi lang yung value of hard work, pero yung pangangatawanan mo yung ginagawa mo.

“Like, for instance, people used to have this feeling Carlitos is a spoiled director, because ang producer niya ang nanay niya.

“On the contrary, halimbawa, Mommy would give him a fixed budget of film negatives… kasi film pa nun, ‘no.

“Pagka naubos na yun, bibigyan ba niya agad? No.

“Pag bagong order ng film, ang bayad nun, ibabawas yun sa talent fee ni Carlitos.

"Hindi lang yung film, but yung cost of processing.”

Nagtayo noon ng film company si Armida katuwang si Carlitos, ang Reyna Films.

Ilan sa mga pelikulang iprinodyus ng Reyna Films at idinirek ni Carlitos ay ang mga sumusunod: Hihintayin Kita Sa Langit (1991), Ikaw Pa Lang Ang Minahal (1992), Kailangan Kita (1993), Saan Ka Man Naroroon (1993), Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995), Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin (1997), Ang Lalake Sa Buhay ni Selya (1998), Tatlo Magkasalo (1998), Kahapon May Dalawang Bata (1999), at Azucena (2000).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Bibeth, “Similarly sa akin, halimbawa, pag meron kaming mga ipapa-xerox na script, kasi may mga ire-revise kami na hindi namin sinabi sa kanya, hindi niya babayaran yung xerox.

“Sasabihin niya, ‘Sino magtuturo sa inyo niyan kundi ako?’

"She was a stickler for that—what was right and what was proper.

"Yung talagang siya yung gumagawa."

Ito rin daw ang ugali ni Armida pagdating sa trabaho.

Nagsilbi bilang scriptwriter si Bibeth sa late-night musical show na Aawitan Kita, kung saan host si Armida.

Kapag ibinibigay raw ni Bibeth ang script ng Aawitan Kita kay Armida, magtutungo ang huli sa costume room at siya mismo ang gagawa ng ilang gawain ng production assistant (PA) bago mag-roll.

“Ang sabi niya sa ‘kin kasi, 'In production, if you are not sure if people, like your PAs can do your work, you have to be ready to do it yourself.”  

Nagtagal ng higit sa tatlong dekada ang naturang musical show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ARMIDA'S LEGACY

Paano niya gustong maalala ng mga tao si Armida?

“Someone who fought for films, not only hers, but for other people,” sagot ni Bibeth.

Si Armida ay nagsilbing chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula June 1998 hanggang June 2001, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Ayon pa kay Bibeth, “I want her to be remembered as someone who fought for films not only hers.

"Kasi she believed in artistic community.

“She was at the forefront of bringing Filipino films abroad, post-Lino Brocka.

“And she would talk to producers, ‘Ah, you should bring this film abroad, and then ganito-ganyan.’”

Kasama si Manay Marichu Vera Perez-Maceda, itinaguyod nila ang International Film Festival Committee o IFFCom, ang komite na nagpapadala ng Filipino movies sa international film festivals.

Matindi raw ang paniniwala ni Armida na mas magiging makabuluhan ang ipinaglalaban kung para ito sa iba.

Ani Bibeth, “Tsaka talagang yung itinuro niya sa akin, ‘It’s hard to fight if you only fight for yourself.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lagi raw siyang isinasama ni Armida sa mga rally upang ipaglaban ang karapatang pang-sining ng mga taga-industriya.

Sa panahon ng martial law, malaki raw ang kontribusyon ni Armida sa pagbuo ng Free The Artists Committee.

Madalas din daw siyang kuwentuhan ni Senator Juan Ponce Enrile, half-brother ni Armida, tungkol sa pagtulong ng kanyang biyenan sa mga kaibigan noong martial law.

Lahad ni Bibeth, “Kinukuwento sa akin ni JPE [Enrile], ‘Naku, yung mother-in-law mo, pag meron siyang kaibigang nakulong, she would come about in my office [to ask for help], and that’s a known fact. And then sinasabi ko kay Armida, ‘You’re going to land me into trouble.’"

Si Enrile ay nagsilbing Justice Secretary at Defense Minister noong rehimeng Marcos.

Pero hindi raw ito dahilan para mapigilan si Armida na tumulong.

Kilala si Bibeth sa pagsusuot ng sapatos na hindi terno ang kulay. Impluwensiya raw ito si Armida sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng scriptwriter-director, minsan, galing sa trabaho, nagkausap sila ni Armida.

Bigla raw natanong nito kung kanino galing ang ideya na dapat pareho ang kulay ng sapatos.

Makalipas ang ilang araw, nakatanggap si Bibeth ng isang pares ng sapatos na hindi terno ang kulay mula sa kanyang biyenan.

Doon daw nagsimula ang pagsusuot ni Bibeth ng sapatos na hindi terno ang kulay.

GOODBYE, ARMIDA

Sa Biyernes, February 15, magkakaroon ng kantahan sa burol ni Armida kasama ang mga kaibigan.

Sabi ni Bibeth, “People will be speaking about Mommy’s contribution to cinema and filipino music.

“And then the necrological service will be the next day pa sa San Antonio.”

Ang mga labi ni Armida ay na-cremate na kahapon, February 12.

Ihahatid naman siya sa kanyang huling hantungan sa Sabado, February 16.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN