KC Concepcion, French boyfriend spend Valentine's Day in Palawan

IMAGE @itskcconcepcion on Instagram

KC Concepcion and French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart spend some quality time in San Vicente, Palawan. Pierre arrived in the Philippines last week.


Naging maaga ang Valentine’s Day para sa actress-TV host na si KC Concepcion, 33.

Noong nakaraang linggo, bumalik uli sa Pilipinas ang kanyang boyfriend—ang French Filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart, 36.

Base sa Instagram posts ni KC, nagbabakasyon sila ni Pierre sa San Vicente, Palawan.

Sa post ng aktres ngayong Valentine's Day, February 14, ibinahagi niya ang isang video kung saan magkaharap sila ng nobyo habang nakalublob sa tubig.

Pagbati ni KC sa kanyang followers: “Happy Valentine’s Day, beautiful people… If you don’t have a partner remember to date, pamper and love yourself.”

View this post on Instagram

Happy Valentine’s Day, beautiful people... If you don’t have a partner remember to date, pamper and love yourself. ?

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

Bago ito, sunud-sunod ang mga post ni KC kung saan ibinahagi niya ang mga aktibidad na kanyang ginawa sa isang beach sa Palawan.

Kabilang dito ang pagsakay sa helicopter, pakikisalamuha sa mga residente roon, at siyempre ang masayang bonding nila ni Pierre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

Mas matipid naman si Pierre sa pag-post sa social media.

Ang huling post niya ay larawan ng beach sa San Vicente noon pang nakaraang linggo.

Simpleng caption ni Pierre: “The #Philippines has some of the best beaches I’ve seen in the world.”

Bago ito, huling bumisita si Pierre sa Pilipinas noong December 2018.

Dumalo siya sa debut ng kapatid ni KC na si Frankie Pangilinan at nanatili sa bansa hanggang Christmas at New Year.

Sa mga ibinahaging larawan at videos sa social media ay makikita si Pierre na masayang nagdidiwang kasama ang pamilya at mga kamag-anak ni KC.


Stories We Are Tracking

KC's French boyfriend now in PH
KC's French boyfriend now in PH
KC thanks French boyfriend for the unconditional love
KC thanks French boyfriend for the unconditional love


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN