Paul Salas evades questions about ex-girlfriend Barbie Imperial

IMAGE Noel Orsal

Paul Salas grateful to GMA-7 for giving him a break: "Una po nakaka-pressure. Nandoon po yung excitement, yung eagerness na mapakita po sa kanila na deserve ko po talaga yung role. And siyempre, nagpapasalamat po ako sa GMA-7 sa pagbigay ng opportunity."


Ayaw na sanang pag-usapan ni Paul Salas ang ex-girlfriend nitong si Barbie Imperial.

Ngunit hindi maiwasang mabanggit ang pangalang “Barbie” dahil kasama ni Paul sa bagong teleseryeng pagbibidahan si Barbie Forteza.

Ano ang pakiramdam na may “Barbie” na pangalang laging nababanggit sa set ng GMA-7 prime-time series na Kara Mia?

Tugon ng 20-year-old Kapuso actor, “Wala po, normal lang. Normal lang.”

Wala na ba talaga silang komunikasyon ni Barbie pagkatapos nilang maghiwalay?

Sabi ni Paul, “Dito na lang po muna tayo mag-focus sa presscon.

"Kasi career po muna talaga, sa work, paano pagandahin ang show."

Naka-move na ba siya sa breakup nila?

Ayon kay Paul, “Basta po ako, masaya po ako.”

Ano naman ang masasabi niyang hiwalay na rin daw si Barbie at ang na-link ditong si JM de Guzman?

Tugon ni Paul, “Wala po akong nababalitaan.

“Basta kasi masyado na po muna akong focused sa work ko, e, tsaka sa career ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul sa grand media conference ng bagong teleserye ng GMA-7 na Kara Mia noong Martes, February 12.

“NAKAKA-PRESSURE”

Masaya si Paul dahil natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng show na isa siya sa mga bida.

Anong pakiramdam niya na pinagkatiwalaan siya ng GMA-7 para maging leading man sa Kara Mia?

Patotoo ng binata, “Una po nakaka-pressure, nandoon po yung excitement, yung eagerness na mapakita po sa kanila na deserve ko po talaga yung role.

“And siyempre, nagpapasalamat po ako sa GMA-7 sa pagbigay ng opportunity.”

Umaasa naman siyang tatangkilikin ng mga Kapuso ang bago nilang prime-time series na magsisimula na sa February 18.

Aniya, “Sana po magustuhan po siya ng mga tao kasi hindi lang po sila Kara at Mia yung nahirapan.

"Siyempre kami rin po kasi, gusto po naming sumupport at bigyan ng buhay talaga yung show para abangan ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana magustuhan po nila. Sana panoorin po nila.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN