Miguel Tanfelix says Bianca Umali has a special place in his heart: "Iki-keep ko siya forever."

IMAGE Noel Orsal

Miguel Tanfelix on Bianca Umali: "Grabe siya mag-alaga ng tao. Kasi alam naman natin kung anong pinagdaanan ni Bianca. So if close ka niya, gagawin niya lahat para hindi ka niya ma-lose."


Ibinahagi nina Bianca Umali, 18, at Miguel Tanfelix, 20, na nalampasan nila kung anumang pagsubok ang pinagdaanan nila noong 2018.

Ito ay dahil malalim na rin ang kanilang pinagsamahan, on and off screen, dahil sa siyam na taong naging magkatrabaho sila.

Kaya hindi raw nila hahayaang magkasira sila kahit pa anong problema ang kaharapin nila.

"Communication is the key," paliwanag ni Bianca.

"Sa amin po kasi ni Miguel, when struggles come upon us, we always think na it's just something that would pass.

"We wouldn't want to sacrifice or lose the relationship that we have and the things that we built together—ayaw po namin na mawala yun—nang dahil lang sa struggles and different conflicts in life."

Naging bukas din si Miguel sa pagsasabing hindi niya kayang mawala si Bianca sa buhay niya.

"Para po sa akin, si Bianca, iki-keep ko na siya forever bilang isa sa mga ka-close ko—not only in showbiz pero sa personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sobra na yung pinagsamahan namin ni Bianca. Sobrang kilala na namin ang isa't isa.

"To the point na, kumbaga, yung willingness na i-keep yung tao."

Hindi man sila magkarelasyon, hindi raw matatawaran ang pinagsamahan nila.

Lalo pa't sa siyam na taong nagkakatrabaho sila, pitong taon doon ay magka-love team na sila.

Patuloy ni Miguel, "Kasi madali lang mag-let go.

"Kunwari kapag andami niyo nang problemang pinag-awayan. Kung gusto mo i-let go yung tao, i-let go mo.

"Pero for me, si Bianca, hindi ko siya kayang i-let go because she has a special place sa puso ko." 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment press sina Bianca at Miguel sa pocket presscon ng Sahaya, ang upcoming prime-time series ng GMA Network.

Ginanap ito sa French Lab PH restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, ngayong Huwebes, February 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

EMOTIONAL SIDE OF MIGUEL, BIANCA'S CARING PERSONALITY

Kuwento pa ni Bianca, sanay na sila ni Miguel sa pag-uugali ng isa't isa. 

"Kabisado namin kung paano namin kakausapin yung isa't isa, kung papaano ia-approach, and alam din po namin yung mga gusto at ayaw ng isa't isa." 

Tanong ulit ng PEP.ph: sinong nag-i-initiate na magkabati pag mayroon silang tampuhan?

Mabilis na sagot ni Miguel, "Ako po!"

Kontra naman ni Bianca, "Sometimes naman ako."

Nakangiting hirit ulit ni Miguel, "Kasi mas mabilis siyang magtampo."

Balik-sagot ni Bianca, "Hindi kaya! Mas mabilis akong magtampo, pero mas iyakin po si Miguel."

Ayaw namang pumayag ni Miguel na matawag siyang iyakin.

"Uy! Hindi naman iyak. Emotional lang," paglilinaw pa ng binata. 

Dagdag ni Bianca, "Kasi si Miguel po, super babaw lang ng luha niya.

"Kahit super simple things lang, iyakin po si Miguel. Not everyone knows that." 

Bukod sa mayroon silang heart-to-heart talks, naalala rin ni Bianca na siya ang madalas tawagan ni Miguel para lang magkuwento tungkol sa travels nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Always po. When he travels, tatawag lang siya para ikuwento sa akin yung mga pinuntahan niyang bansa, yung mga ginawa niya dun.

"'Tapos, yun lang. Kailangan lang niya ng mapagkukuwentuhan."

Pambubuking naman ni Miguel kay Bianca: "Gusto ko yung pagiging masungit niya. 

"Kung negative mo siyang titingnan, 'A, huwag 'yan, masungit.'

"Pero kasi tinuruan ako nun na maging careful sa actions ko and words."

Masuyong umalma si Bianca kung bakit iyon ang napili ni Miguel sa lahat ng puwedeng paglalarawan nito sa dalaga.

Tila bumabawi pero sinserong pahayag ng Kapuso actor, "Grabe siya mag-alaga ng tao. Kasi alam naman natin kung anong pinagdaanan ni Bianca.

"So if close ka niya, gagawin niya lahat para hindi ka niya ma-lose.

"Kasama na diyan yung pagluluto. Sabihin ko raw pinagluluto niya ako. Hahaha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

REPORTED BREAKUP IN 2018

Hindi kaila sa mga sumusubaybay sa kanila na bandang June 2018 ay naiulat na natuldukan na ang pagkakamabutihan nina Bianca at Miguel dahil sa isyung third party.

Ito ay makalipas ang dalawang buwan mula nang pormal na nagpaalam si Miguel sa lola ni Bianca na plano niyang ligawan ang dalaga.

May mga lumabas ding balitang nagsasabing hindi lang basta ligawan kundi matagal nang lihim na magkarelasyon ang dalawa. 

Pero noong December 2018, mariing pinabulaanan ni Miguel na third party ang dahilan kung bakit nauwi sa wala ang balitang pagkakamabutihan nila ni Bianca.

Sa eksklusibong ulat ng PEP.ph, ipinaliwanag niyang naudlot ang plano niyang manligaw kay Bianca dahil hindi pumayag ang lola nito.

Dagdag ni Miguel, nananatili silang mabuting magkaibigan ni Bianca at kumportable pa rin sila sa isa't isa.


Stories We Are Tracking

Miguel Tanfelix defends Bianca, Ruru against romance rumors
Miguel Tanfelix defends Bianca, Ruru against romance rumors
Miguel Tanfelix dismisses rumored romance with Kyline
Miguel Tanfelix dismisses rumored romance with Kyline
Kyline unfazed by bashers after rumored rift with Bianca
Kyline unfazed by bashers after rumored rift with Bianca
Kyline Alcantara: No awkwardness around Miguel Tanfelix
Kyline Alcantara: No awkwardness around Miguel Tanfelix


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close