Ai-Ai delas Alas shrugs off bashers of her J.Lo challenge

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Ai-Ai delas Alas explains her adoration of Hollywood singer-actress Jennifer Lopez: "First, sa career niya, hindi siya nawawala sa eksena. I mean, lahat ginagawa niya... lahat ng genre, gagawa siya ng ganitong movie, gagawa siya ng ganitong kanta, gagawa siya ng ganitong concert... So, lahat ng ginagawa niya, ginagawa ko rin."


Aminado si Ai-Ai delas Alas na idolo talaga niya ang Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez—kilala rin sa tawag na J.Lo.

Kaya naman ginagaya ng Comedy Queen ang mga sexy pose ng idolo na ibinabahagi naman niya sa kanyang Instagram followers.

Tinawag niya itong "J.Lo Challenge."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Paano nagsimula ang J.Lo challenge niya?

Tugon ng 53-year-old Kapuso star, “The J.Lo challenge, oo, e, kasi bukod sa idol ko siya, amazed na amazed ako sa buong pagkatao niya.

“First, sa career niya, hindi siya nawawala sa eksena. I mean, lahat ginagawa niya.

“Katawan niya pinapaganda niya... lahat ng genre, gagawa siya ng ganitong movie, gagawa siya ng ganitong kanta, gagawa siya ng ganitong concert.

“So, ina-idolize ko siya talaga.

"So, lahat ng ginagawa niya, ginagawa ko rin.

"Mayroon naman nga siyang bagong post, e, siyempre gagayahin ko na naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Hindi naman daw ito problema sa asawa ni Ai-Ai na si Gerald Sibayan, 24.

“Hindi, ‘Sige, okay lang 'yan, bahala ka.’

“Sabi niya, ‘Grabe, ang lakas!’ Ang lakas ko daw, ang lakas ng loob, ang dami ko raw lakas ng loob.

"Pero siyempre, dati pa naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa presscon ng concert nilang The Hitmakers and Ai ilang araw na ang nakararaan.

Gaganapin ang concert ngayong Biyernes ng gabi, February 15, sa Newport Performing Arts Theater, sa Resorts World Manila.

BASHERS

Paano hina-handle ni Ai-Ai ang mga tao at netizens na nagkokomento nang hindi maganda o "mema" lang tungkol sa kanyang panggagaya kay J.Lo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Natatawang sabi ni Ai-Ai, “Hindi, hindi ko na sila iniintindi!

“Kasi, kapag inintindi mo sila, hindi ka na magiging masaya sa buhay mo, di ba?

“As long as ako wala akong tinatapakang tao, as long as hindi ako nakakasakit ng kapwa ko, walang nega, siyempre gagawin ko yung gagawin ko.

“Kung gusto ko mag-two piece, magtu-two piece ako.

"As long as wala akong inaabalang ibang tao, okay yun."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN