Ronnie Alonte defends not saying "I love you" to girlfriend Loisa Andalio

IMAGE @iamAndalioLoisa (Twitter) / @iamandalioloisa Instagram

Ronnie Alonte defends himself for not saying "I love you" to girlfriend Loisa Andalio. "Mas importante ang gawa kesa salita," he says.


Hindi nasusukat ang pagmamahal sa pagsasabi ng “I love you!”

Ito ang sagot ni Ronnie Alonte, 22, sa isang netizen na pinuna ang aktor dahil hindi raw niya masabi ang “I love you” sa girlfriend na si Loisa Andalio, 19.

Nagsimula ito nang mag-post si Loisa sa Instagram noong February 12, Martes, ng larawan nila ni Ronnie.

Maikling caption dito ng dalaga: “My one and only.”

View this post on Instagram

my one and only ????

A post shared by Loisa (@iamandalioloisa) on

Nagkomento rito si Ronnie ng “143,” na ibig sabihin ay “I love you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang netizen ang sinita ang Hashtags member dahil hindi pa raw nito binuo ang “I love you” sa komento niya para kay Loisa.

Sabi ng netizen: “I don’t know bat Di niya kayang mag 'I love you' kay loisa?? Mahal mo naman diba?”

Sinagot naman ito ni Ronnie.

Aniya, hindi masusukat ang pagmamahal sa isang tao sa dami ng pagsasabi dito ng “I love you.”

Ang mas mahalaga raw ay maiparamdam ito.

Buong sagot ni Ronnie: “kahit mag iloveyou ako ng napakadami di dun ma babase un!

"Mag iloveyou ka nga di naman totoo wala dn. Mas importante ang gawa kesa salita. Gets?"

Sinegundahan naman ng fans ng LoiNie (tawag sa team-up nina Loisa at Ronnie) ang paliwanag ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VALENTINE’S DAY

Samantala, hindi rin nagpahuli ang real-life couple sa pagdiriwang ng Valentine’s Day nitong Huwebes, February 14.

Sa Twitter, nag-post si Loisa ng sweet photos nila ni Ronnie.

Makikita ring may bitbit si Loisa na bouquet of red roses at box of chocolates galing kay Ronnie.

Simpleng tweet ni Loisa: “napaka saya ng puso”

Sa Instagram naman, binanggit ni Loisa na pangatlong taon na nilang magdiwang ng Valentine’s Day ni Ronnie.

View this post on Instagram

Pangatlong valentines day na magkasama tayo, thank you beh ko!!!! ???? @hashtag_r2a ???? @bongaustin

A post shared by Loisa (@iamandalioloisa) on

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN