Jak Roberto pulls off surprise Valentine's Day dinner for Barbie Forteza

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: Jak Roberto Facebook

Jak Roberto on viral "hindi kami mag--eexchange gift" news about him and girlfriend Barbie Forteza: "Well, it's still publicity. Sobrang thankful din kami na maraming nag-abang. Masaya po kami na kahit papa'no, e, may gustong makibalita sa nangyayari sa amin."


Tagumpay ang surprise dinner na inihanda ni Jak Roberto para sa girlfriend na si Barbie Forteza kagabi, February 14, Valentine's Day.

Bago ito, nagkuwento si Jak sa ilang press sa grand presscon ng Kara Mia noong Martes, February 12, kung paano niya pinaghandaan ang nasabing sorpresa para kay Barbie.

“Sinasabi ko sa kanya wala ako, sabi ko may trabaho ako.

"Siya rin, yung 24 Oras... para yun yung chance para makapag-prepare ako sa bahay nila.

“So, kinuntsaba ko na mga kasambahay niya, sila Tita [Amy Forteza, Barbie's mom], nagpaalam na ako na magsi-set up ako.

“Susunduin po namin siya, may taping po siya ng 24 Oras.

"Isi-set up ko po yung bahay nila tapos magluluto ako ng favorite niya—bistek at sinigang."

Sa video na ipinost ni Jak sa kanyang Facebook kagabi, makikitang naiyak at nasorpresa ang girlfriend sa kanyang ginawa.

Kumusta ba si Barbie bilang girlfriend?

Saad ng 25-year-old Kapuso actor, “Jolly, expressive... kasi alam mo kung galit siya, kung masaya siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo kung natutuwa siya sa ginagawa mo, na-appreciate niya mga simpleng bagay.

“Nagkakasundo po kami sa maraming bagay—hindi kami pala-gimik, mahilig kami kumain.

“Nasasama ko na rin siya mag-workout.

"Lalo na ngayon dahil kinailangan niyang masuot yung gown niya na yun, so sumama siya sa akin mag-workout,” pagtukoy ni Jak sa suot na gown ni Barbie sa presscon ng Kara Mia.

Halos araw-araw magkasama sina Jak at Barbie dahil pareho silang bida sa Kara Mia. Paano nila iniiwasan ang sawa factor?

Ayon kay Jak, “Actually, may mga times na busy ako, busy din siya, e, nung Contessa days at IWALY [Inday Will Always Love You], so nagkikita kami Sunday Pinasaya na.

"So, mas masaya ngayon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jak sa grand mediacon ng Kara Mia noong Martes, February 12.

Magsisimula ang Kara Mia sa Lunes, February 18, kapalit sa magtatapos na ngayong gabi na Cain at Abel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VIRAL EXCHANGE-GIFT STORY

Usap-usapan naman kamakailan ang balita tungkol sa hindi raw nag-exchange gift sina Jak at Barbie noong Pasko.

Puna ng netizens, wala silang pakialam kung ayaw mag-exchange gift ng Kapuso couple.

Natatawang reaksiyon dito ni Jak, “Yun din po yung sinasabi namin na ang daming nag-react.

"Hindi rin naman po namin in-expect na ganun yung magiging reaction.

“Akala po namin simpleng write-up lang para sa amin.

"Kahit kami po nagulat, e, na parang, ‘Paano 'yan, kailangan natin mag-exchange gift dahil sa write-up na yun.’

“Well, it’s still publicity. Sobrang thankful din kami na maraming nag-abang.

"Masaya po kami na kahit papa'no, e, may gustong makibalita sa nangyayari sa amin.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN