Former MTV VJ Belinda Panelo records racist rant against her, son in California

IMAGE Facebook (Belinda Panelo) / YouTube (Kababayan Today)

Former MTV VJ Belinda Panelo and son encounter discrimination from an old American woman at Playa Vista in Los Angeles, California.


Nakunan sa video ang racist comments ng isang American woman sa former MTV VJ na si Belinda Panelo at ang anak nito sa Los Angeles, California.

Si Belinda ay nakilala sa Pilipinas nang maging MTV VJ siya matapos manalo sa MTV VJ Hunt, kasama si KC Montero, noong 1999. Sa L.A. na siya naninirahan ngayon.

Sa ulat ng KTLA 5, isang digital television station sa Los Angeles, isinalaysay ni Belinda ang naranasang diskriminasyon.

Noong Martes, February 12 (U.S. time), ipinarada ni Belinda ang kanyang kotse sa isang pampublikong kalsada sa Playa Vista, na matatagpuan sa Westside ng Los Angeles. Bumili raw kasi siya ng kape sa isang coffee shop doon.

Pagbalik nila ng kanyang anak na lalaki sa kotse, isang matandang babae ang sumita sa kanila at ininsulto sila.

Nai-record ni Belinda ang ilang bahagi ng pakikipagdiskusyon niya sa matandang babae.

Maririnig na sabi ng matandang babae: “What are you? ...doesn’t even look human. Get off our street! You do not belong to Playa Vista!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magalang namang sabi ni Belinda sa babae: “Are you okay, Ma’am?”

Sagot sa kanya ng babae: “No, I’m not. We don’t want you here.

"This is our street. Leave us alone. We pay $10,000 to keep you out."

Ayon kay Belinda, hindi niya nai-record ang bahagi ng pagtatanong ng babae sa kanya kung anong lahi sila.

Paulit-ulit din daw silang tinawag na “ugly,” “whore,” at “subhumans.”

Sabi pa ng former VJ, naging mahinahon siya upang ipakita sa kanyang anak ang tamang paraan kapag nahaharap sa ganoong sitwasyon.

Paliwanag ni Belinda, “Okay, how do I deal with this in front of my child?

"Because, inside, you want to react a certain way, but you’re gonna have to, like, keep it together.

“You’re trying to model the behavior that you want your child to… you’d hope that in a situation your child would react in respectful way, maintaining their dignity, but while still standing up for themselves.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila ng pangyayari, sinabi ni Belinda na naniniwala siyang hindi lahat ng mga residente sa Playa Vista ay kagaya ng ugali ng babaeng sumita sa kanya.

“I will not have one incident make me think that everybody who lives in that neighborhood is like that, because it’s not very generalized.

"And we don’t know if someone is suffering… if they have health issues.”

Ayon pa sa report, hindi nila nakita ang American woman na nagsalita nang masama kay Belinda para kunan sana ng pahayag. 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN