Angelika dela Cruz on running for a higher position: "Sa ngayon talaga, hindi."

IMAGE Noel Orsal

Angelika dela Cruz on being a barangay captain: "Kasi ang hirap talaga, lahat ng hirap na ginagawa mo, sa totoo lang, napakahirap na trabaho. Madali mag-artista, mas masarap maging artista, mahirap maging kapitana kasi dami mong duties and responsibilities."


Nag-e-enjoy raw si Angelika dela Cruz sa pagiging public servant bilang kapitan sa Barangay Longos, Malabon City.

Nasa pangalawang termino na siya ngayon bilang kapitana ng nasabing barangay at masaya raw siya sa kanyang ginagawa.

 IMAGE Noel Orsal

Saad ni Angelika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya kapag mayroon kang natutulungan, kapag nari-recognize ng tao yung hirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang hirap talaga, lahat ng hirap na ginagawa mo, sa totoo lang, napakahirap na trabaho.

"Madali mag-artista, mas masarap maging artista, mahirap maging kapitana kasi dami mong duties and responsibilities."

Paano niya hinahati ang kanyang oras sa pagiging public servant at pag-arte sa telebisyon at pelikula?

Natatawang sabi ng 36-year-old Kapuso star, “Tatlong oras lang natutulog!”

Nakikita ba niya ang sarili na tatakbo sa mas mataas na posisyon sa hinaharap?

Sagot ni Angelika, “Sa ngayon talaga, hindi.

“Kasi ang gusto ko talaga mapaglingkuran, yung constituents ko sa barangay.

“Kapag maayos na siguro yung barangay ko, puwedeng tumakbo ako ng higher position, puwedeng huminto na ako.

“Depende, depende sa gusto ng family ko siyempre.”

Kasama si Angelika sa Kapuso afternoon drama series na Inagaw Na Bituin.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN