Miss Universe 2018 Catriona Gray arrives in PH under tight security

IMAGE Ewen Alfaro (screenshot) / @missuniverse on Instagram

Miss Universe 2018 Catriona Gray arrives in the Philippines for her scheduled grand homecoming on February 21 and 23. Catriona is the fourth Filipina to win the prestigious crown.


Bumalik na sa Pilipinas si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa nakaplanong grand homecoming niya sa susunod na linggo.

Lulan ng Qatar Airways QR298, dumating ang beauty queen sa NAIA Terminal 3, pasado alas-9 ng gabi ng Biyernes, February 15, ayon sa ulat ng State of the Nation ng GMA News TV.

Idinaan si Catriona sa VIP exit at nagkaroon ng mahigpit na seguridad.

Hindi rin ipina-interview si Catriona sa mga press.

Maging ang in-house reporters ng NAIA ay pinagbawalan umanong kunan ng larawan ang Pinay beauty queen.

Mas maaga raw sa inaasahan ang pagbabalik-bansa ni Catriona, na nag-post pa sa Instagram na magsisimula ang homecoming niya ng February 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nakatakdang isagawa ang grand homecoming parade ni Catriona sa February 21 at February 23.

Sa February 21, Huwebes, gaganapin ang parada para kay Catriona.

Sasakay siya sa lava-inspired float na kadisenyo ng Mak Tumang gown na isinuot niya sa Miss Universe grand coronation sa Thailand noong December 17, 2018.

Ipaparada si Catriona mula Pasay, Maynila, at Makati.

Se February 23, Sabado, nakatakda naman ang kanyang homecoming parade sa Araneta Center, sa Cubao, Quezon City.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN