Juancho Trivino cries over Joyce Pring's Valentine surprise

IMAGE Joyce Pring Instagram

Joyce Pring on her Valentine surprise for suitor Juancho Trivino: "Pag sundo nya sakin may setup na ako and I also arranged for us to have dinner. I also made a video of the first few weeks we spent together and played it for him. He cried even more..."


Napaiyak ang Kapuso actor na si Juancho Trivino dahil sa naging sorpresa ng nililigawan niya at co-host sa Unang Hirit na si Joyce Pring noong Valentine’s Day.

Hindi inaasahan ni Joyce na ganun ang magiging reaction ni Juancho sa ginawa niyang surprise sa binata.

Inamin ni Joyce na naging inseparable sila ni Juancho mula nang maging partners sila sa out-of-town segments ng Unang Hirit.

Kahit wala silang trabaho ay nagkikita raw sila kasama ang ilang mga kaibigan at sabay pa silang nagsisimba.

Consistent din daw si Juancho sa pagpapadala ng pasalubong kay Joyce tuwing magkikita sila sa location set ng UH.

Ito ang dahilan kaya naisipan ni Joyce na siya naman ang magsorpresa kay Juancho para maipadama niya ritong appreciated ang lahat ng ginagawang ito ng binata para sa kanya.

Ito ang kuwento ni Joyce na ipinost niya via Instagram noong February 14:

"Hindi ko din alam bat sya iyak ng iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everyday may surprises sakin si Juancho. Minsan small surprises na dadalhan nya ako ng food, or magpapa deliver sya ng coffee sa trabaho ko, or kahit simpleng tatawag lang just to check up on me and how my day is going.

"Minsan meron syang grand gestures (mejo naloloka na ako as many of you know) pero syempre kinikilig ako because I really appreciate all his efforts.

"This week will be the longest amount of time we’ll be spending apart. Since December last year (?) we’ve basically been inseparable, what with every morning spent in @unanghirit together, o kaya we hang with my friends pag walang work; sometimes we have shoots and shows together, then on weekends we spend time with his friends / fam then church on Sundays.

"So finally I decided to get even and surprise him too.

"Sabi ko birthday ni @charismalico so we’ll be with my friends the whole day and pagbalik ko nalang kami next week may bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nung pag sundo nya sakin may setup na ako and I also arranged for us to have dinner. I also made a video of the first few weeks we spent together and played it for him. He cried even more...

"Sobrang simple lang cos first time ko din mag effort like this for Vday hahahaha but I hope I made him happy.

"Hindi ko sure kasi umiyak lang sya for mga 2 hours. Hahahahaha happy heart’s day @juanchotrivino!

"Wait for me."

View this post on Instagram

Hindi ko din alam bat sya iyak ng iyak. ???? Everyday may surprises sakin si Juancho. Minsan small surprises na dadalhan nya ako ng food, or magpapa deliver sya ng coffee sa trabaho ko, or kahit simpleng tatawag lang just to check up on me and how my day is going. Minsan meron syang grand gestures (mejo naloloka na ako as many of you know) pero syempre kinikilig ako because I really appreciate all his efforts. ???? This week will be the longest amount of time we’ll be spending apart. Since December last year (?) we’ve basically been inseparable, what with every morning spent in @unanghirit together, o kaya we hang with my friends pag walang work; sometimes we have shoots and shows together, then on weekends we spend time with his friends / fam then church on Sundays. So finally I decided to get even and surprise him too. Sabi ko birthday ni @charismalico so we’ll be with my friends the whole day and pagbalik ko nalang kami next week may bonding. Pero nung pag sundo nya sakin may setup na ako and I also arranged for us to have dinner. ???? I also made a video of the first few weeks we spent together and played it for him. He cried even more. ???? Video is up on my YouTube also. ???? Sobrang simple lang cos first time ko din mag effort like this for Vday hahahaha but I hope I made him happy. ?? Hindi ko sure kasi umiyak lang sya for mga 2 hours. Hahahahaha happy heart’s day @juanchotrivino! Wait for me. ???? #juanchoyce

A post shared by Joyce Pring (@joycepring) on

JUANCHO'S SURPRISE

Si Juancho naman ay ikinuwento ang ginawa niyang surprise kay Joyce sa Sonya's Garden, Tagaytay, bago ang Valentine's Day.

"Panliligaw 101 Valentines Special. So ito yung story behind this naman, since Joyce will not be here for Valentines Day I decided to surprise her in advance.

"Sinabi ko sa kanya na may lakad ako kaya hindi ko sila masasamahan ng friends nya sa Anilao. Pero ang hindi niya alam ka-kunchaba ko na ang mga kaibigan niya, na pag pabalik na silang Manila, dadaan muna sila ng Tagaytay sa @sonyasgarden and I’ll be waiting for her there na may set-up na ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It worked perfectly, Mission Accomplished and sana napasaya ko naman siya."

Marami nga ang nag-aabang sa tandem nina Juancho at Joyce na “JuanChoyce” dahil pampakilig sila sa umaga ng maraming manonood ng UH.

Makikita sa IG accounts nina Joyce at Juancho ang maraming photos kung saan very sweet sila sa isa't isa.

Marami rin ang may hinalang may relasyon na ang dalawa, pero hindi pa lang daw sila umaamin.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN