LOOK: Sisters Gretchen and Claudine Barretto spotted dining together

IMAGE @claubarretto / @juansarte on Instagram

Sisters Claudine and Gretchen Barretto were spotted having dinner together at Solaire Resorts and Casino in Parañaque City, Saturday night, February 16.


Tila nagkabati na ang magkapatid na sina Gretchen, 48, at Claudine Barretto, 39.

Kagabi, February 16, namataang magkasama ang dalawa habang nagdi-dinner sa Solaire Resorts and Casino sa Parañaque City.

Nasa Solaire si Gretchen para sa isang post-Chinese New Year celebration.

Sa isang bahagi ng Instagram Live video ni Gretchen, sinabi nito, "It's Chinese New Year tonight, we're celebrating it at the ballroom of Solaire."

Samantala, kasama naman ni Claudine ang mga anak na sina Sabina, Santino, at Quia para mag-staycation.

Kasama rin ni Claudine ang long-time assistant nitong si Marisol Acap.

Sa isang bahagi ng kanyang 23-minute Instagram Live video, ipinarating ni Claudine ang kanyang tuwa na makasama ang nakatatandang kapatid.

Aniya, "I'm very, very happy tonight because of my ate."

Karugtong nito, maririnig sina Claudine na nagbasa ng comment ng isa sa mga viewer nito.

Nagpasalamat ito sa isang komentong nabasa at sinabing, "Gergeous Barretto, aw! Thank you! Ako yung pumangalawa, number one yung ate ko!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabiro namang reply ni Gretchen sa nakababatang kapatid, "I'm not an ate, I'm your youngest sister."

RECONCILIATION

Taong 2013 unang nasangkot sa sanga-sangang family issues ang magkapatid na Gretchen at Claudine.

Kabilang din sa mga sangkot sa isyu ang kanilang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, at ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto.

Simula rin nang taong iyon ay hindi na namataan sina Gretchen at Claudine na magkasama sa publiko.

Ngunit bandang 2017, tila nagkaroon ng posibleng pagkakaayos sa pagitan nila.

Simula nang taong iyong, ilang beses nagkaroon ng magandang palitan ang dalawa sa kanilang Instagram accounts.

Ipinagtanggol din ng magkapatid ang isa't isa mula sa kanilang bashers. 

Una ay noong July 2017 nang sagutin ni Gretchen ang isang netizen dahil sa pagkukumpara nito sa kanilang dalawa ni Claudine.

Ang ikalawang beses naman ay noong August 2017 nang ipagtanggol ni Claudine si Gretchen mula sa pag-uugnay ng netizen sa kapatid nito sa businessman na si Atong Ang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong December 6, 2018 naman, ipinarating ni Claudine ang pagmamahal nito para sa anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco.

Ngunit muling nangamba ang followers ng dalawa nang idawit ni Gretchen si Claudine sa isyu nito kay Kris Aquino.

Si Kris ay second cousin ng partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco.

Sa isang Instagram post noong January 21, inakusahan ni Gretchen si Kris na tumawag umano kay Claudine upang ipaalam sa kanilang mga magulang ang plano nitong pagsampa ng kaso laban dito.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), itinanggi ito ni Claudine.

Sabi niya, "Walang ganyang nangyari. Kung sino gumagawa ng ganyang kwento, di nagsasabi ng totoo."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN