Inigo Pascual defends dad Piolo Pascual's action to hit back at bashers

IMAGE Inigo Pascual Instagram

Inigo Pascual (right) on dad Piolo Pascual (left): "Si Papa talaga, hindi siya ma-social media. So, nung natiyempuhan siya na nag-social media, yun pa ang nakita niya. Siyempre, as a human being, we get affected, we get pissed off. Siyempre kung mayroon tayong pinagdadaanan in the real world, 'tapos nabasa natin yun, maaapektuhan talaga tayo."


Ipinagtanggol ni Inigo Pascual ang amang si Piolo Pascual sa pagsagot nito sa ilang bashers sa social media.

Nitong mga nakaraang buwan ay ilang beses nang di napigilang sumagot ni Piolo sa bashers.

Ang pinakahuli ay nang nag-viral online ang mga larawan ni Piolo kasama ang isang lalaking foreigner, na iniintrigang karelasyon diumano ng Kapamilya actor.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Inigo sa ABS-CBN compound noong nakaraang linggo, dinepensahan niya ang naging aksiyon ng ama tungkol sa bashers.

Saad ng singer-actor, "Like I say every time we answer bashers, we are human too.

“Si Papa talaga, hindi siya ma-social media. So, nung natiyempuhan siya na nag-social media, yun pa ang nakita niya.

“Siyempre, as a human being, we get affected, we get pissed off.

“Siyempre kung mayroon tayong pinagdadaanan in the real world, ‘tapos nabasa natin yun, maaapektuhan talaga tayo.”

Patuloy ni Inigo, "You know, I've been talking to him about it. I've been telling him, ‘You know, it's not worth it.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko sa kanya, yung mga sinasabi ko sa kanya, things that I've learned from him.

“Before, I get affected, but now I feel, like, if someone is bashing you, you must be doing something right with your career.

“If they are trying to pull you down, you are doing something right.”

Dagdag pa niya, “As long as you are not hurting anybody, as long as you are not letting anyone feel, like, really bad about themselves, why should you be worried or pay attention to those people who try to bring you down?

“I've been telling my dad. But then again, we are humans, we are not robots that can't take emotions. I try my best, even me.

“Everyone gets affected. I get affected every time I see negative comments… you know, all these other things.

“I wanna focus on what I am doing.

“I'm gonna tell my dad those things, too, yung mga itinuturo niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Piolo Pascual curses basher over malicious comment
Piolo Pascual curses basher over malicious comment
Piolo Pascual admits losing his cool over comment on IG
Piolo Pascual admits losing his cool over comment on IG
Piolo Pascual challenges basher to square-off
Piolo Pascual challenges basher to square-off

FATHER AND SON CONCERT

Kababalik lang nina Inigo at Piolo mula sa Canada para sa Father And Son concert tour nila.

Masaya si Inigo dahil matagal na raw niya talagang gustong makasama sa trabaho ang ama.

Saad niya, "Sa April, mayroon na kaming second leg nung tour namin, Father And Son.

“We are happy that we are able to book a second leg right away. This is the second time we’re going to the States for Father And Son tour.

“You know, this has been a dream, to be able to tour with my dad. Dati sumasama lang ako sa mga events niya sa States.

“It's something really exciting for me to really go through yung proseso ng paghanda ng mga kakantahin naming mga songs.

"It's always a great experience to perform with my dad. It's always something I look forward to do."

ON MARIS RACAL

Speaking of Maris, hindi naman kaila sa publiko ang namamagitan sa kanila ni Inigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Inigo, sa ngayon ay mas focused muna sila sa trabaho at kani-kanilang mga proyekto.

"Okay naman, actually we are looking for songs...

"Siyempre matagal na naming pine-perform yung mga kanta namin. We are looking for better songs to sing.

“Right now, I am happy for her. Grabe, she's able to make songs with her idol, si Rico Blanco, so wow!

“She will always tell me na sana one day makatrabaho niya, and ngayon kaibigan na niya si Rico Blanco, so sobrang nakakatuwa.”

Sabi pa ni Inigo, "Right now, we're working a lot.

“She's been working in a movie with Julia [Barretto] and Joshua [Garcia], Block Z. Mayroon din siyang bagong teleserye.

"I've been away, I've been in the States. I'm getting work done, I'm recording songs.

“My album dito and I'm working also few things in the States, super exciting."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN