Dani Barretto slams netizens mocking Bela Padilla for being single

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Dani Barretto on best friend Bela Padilla being single: "She doesn't need a man to complete her. And she definitely doesn't need validation from anyone."


May sagot si Bela Padilla, 27, sa mga nakikialam tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa isang Instagram post ngayong Lunes ng umaga, February 18, malinaw na pinatukuyan ni Bela ang netizens na nagtatanong tungkol sa pagiging single niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naungkat ito matapos ma-engage ang best friend ng Kapamilya actress na si Dani Barretto, 26, sa non-showbiz boyfriend nitong si Xavi Panlilio noong Linggo, February 17.

Mensahe ni Bela: “To stop the ‘when are YOU getting married’ comments, please enjoy this photo of me, not thinking of my future as much as you are [laughing emoji] happy Monday!”

Kalakip ng post ay ang larawan ni Bela na nasakay sa isang bangka, na tila sinasabing masaya siya kahit walang karelasyon.

Sa comments section, sumagot ang Kapamilya actor na si Enchong Dee at ipinahayag na nakaka-relate siya sa sitwasyon ni Bela.

Sagot ni Bela kay Enchong, “kapagod eh, hahaha,” na ang tinutukoy ay ang palaging natatanong kung kailan siya magpapakasal.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANI TO THE RESCUE

Sinabi naman ni Dani sa mga netizen na lubayan at huwag pakialaman ang personal na buhay ni Bela.

“She doesn’t need a man to complete her life. And she definitely doesn’t need validation from anyone,” pagtatanggol ni Dani kay Bela.

Paniniyak pa niya, masaya si Bela kahit single.

Buong komento ni Dani: “seriously, ang daming nagegealam.

“I swear, ang daming bored sa bahay. Sarap niyong putulan ng internet. Daming sinasabi. Can you just let my bestfriend live her life.

“She doesn’t need a man to complete her. And she definitely doesn’t need validation from anyone.

“If may love life, eh di okay. If wala, so what? All that matters is that she is happy. Don’t tell her what to feel or when to feel.

“Mind your own business.

“Now, fight me.”

Sinagot naman si Bela ang ginawang pagtatanggol ng kaibigan.

Aniya, “hahahahaha bawal ifight si Dani!!!!! Happy yan! Back off!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

BELA: "I’M NOT DUMB"

Inalmahan din ni Bela ang isang netizen na pumuna sa ABS-CBN actress dahil sa umano’y inunahan pa nito ang best friend na si Dani sa pag-announce ng engagement ng huli.

Nitong Linggo, February 17, nag-post sa Instagram si Bela ng dalawang magkahawak-kamay, kung saan makikita ang isang kamay na suot ang isang diamond ring.

Naka-tag sa post na ito si Dani.

Sa comments section, isang netizen ang sumita kay Bela: “Yung nauna pa nag post kesa sa na engaged.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkomento muli ang netizen, at base sa kanyang sagot, tila ipinagtanggol ni Bela ang sarili na okay lang ito sa kaibigang si Dani.

Pero tila burado na ang komentong ito ni Bela.

Sagot naman ng netizen: “even so. Of course she would say it’s okay with her coz ur bestfriends but then at least could have given her the opportunity to make the announcement first.

"But that’s just an opinion, of course you know her better. I wish her the best though."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot ni Bela ang netizen.

Aniya, “I do know her better. I also took the photos on her phone and drove her to the proposal. I’m not dumb. Enjoy the rest of your week.”

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN