Kapuso Manolo Pedrosa still in touch with Kapamilya friends

IMAGE Noel Orsal

Manolo Pedrosa on Kapamilya friends: "Hindi na kami masyado lumalabas pero nag-uusap pa rin po kami, may group chat po kami."


Kahit Kapuso na si Manolo Pedrosa, nananatili pa rin daw ang kanyang komunikasyon sa mga kaibigan niya sa dating home network na ABS-CBN.

Pahayag ng 21-year-old actor, “Yes, of course, mas lalo na po yung mga taga-PBB [Pinoy Big Brother].

“Although, hindi na kami masyado lumalabas pero nag-uusap pa rin po kami, may group chat po kami.”

Samantala, feel na feel na raw ni Manolo ang pagiging Kapuso niya.

Sabi ng Inagaw na Bituin star, “Yes, yes. Una pa lang, just after [contract signing], nabigyan agad ako ng maraming trabaho, yun nga yung Pamilya Roces.

“Yung ngayon with Kyline [Alcantara], so I’m very grateful for that.

“Marami pang guesting after Pamilya Roces.”

KYNOLO LOVETEAM

Wala naman daw problema kay Manolo na wala siyang permanenting ka-love team.

Naging kapareha niya sa Pamilya Roces si Gabbi Garcia.

Kapareha naman niya ngayon sa Inagaw na Bituin si Kyline, ang tinaguriang fast-rising star ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Sabi ni Manolo, “Very happy po kasi I’m paired with Kyline and I’m very comfortable now with her dahil sa Daig Kayo ng Lola Ko.

“Dun kasi, yun nga, as she said kanina, na siya yung nag-approach sa akin [sa set], so wala siyang walls.

“So, instantly, I clicked with her and I become comfortable with her.”

KyNolo ang tawag ng fans sa kanilang love team.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN