Karla Estrada explains why son Daniel Padilla asked for one-month break from ABS-CBN bosses

IMAGE Glenn Regondola / Instagram

Karla Estrada on Daniel Padilla-Kathryn Bernardo breakup rumors: "Hayaan na natin yung mga nag-iisip na ganyan."


Ipinaliwanag ni Karla Estrada ang isang buwang bakasyon na hiningi ng kanyang anak na si Daniel Padilla mula sa pamunuan ng ABS-CBN.

Taliwas ito sa naglabasang balita na kaya raw gustong magkaroon ng espasyo ni Daniel ay dahil sa pinagdadaanan diumano nito sa relasyon kay Kathryn Bernardo.

Diretsahang pahayag ni Karla tungkol sa isyung ito, “Si Daniel ay hiningi niya sa Star Cinema, actually, sa mga boss niya sa ABS-CBN ang buong February ng pagri-relax.

“So ngayon, bakasyon, bakasyon. Kasama si Kathryn... yun lang ang puwede kong sabihin.

“Then, pupunta na naman siya sa ibang bansa, kasama ang kapatid na si Carlito, and then, yung daddy ni Carlito na si Naldy Padilla, at saka yung pinsan ko na si Marco.

“Talagang ibabakasyon niya ang buong Feb, dahil after that, sa March, mag-expect tayo ng dalawang pelikula na gagawin.”

Hind kinumpirma ni Karla kung ito ba ang pelikulang gagawin ni Daniel kasama si Sharon Cuneta. Basta mag-expect na lang daw muna ang mga nagtatanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman ni Karla na hindi naghiwalay ang magkasintahan, taliwas sa mga naglalabasang tsismis.

Giit ng singer-actress, “No! Walang ganun. For the record, walang ganun. Hayaan na natin yung mga nag-iisip na ganyan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press people si Karla sa grand presscon ng kanyang upcoming movie na Familia Blondina, na ginanap sa The Racks sa Timog, Quezon City, noong February 17.

Dagdag ni Karla, bahagi rin ng bakasyong ito ni Daniel ang pagsuporta sa ama na si Rommel Padilla sa kandidatura nito sa bilang congressman ng first district ng ng Nueva Ecija.

Saad ni Karla, “Alam kong wala siyang sinusuportahan sa ngayon na mga kandidato, kundi ang tanging tatay niya na si Rommel Padilla.

“Ako, marami akong sinusuportahan, kung saan na nga ako nag-support, pero huwag nating pag-usapan ang politiko.”

Baka nga raw ma-extend pa ang bakasyon ng kanyang anak kung kinakailangan.

Ayon sa 44-year-old TV host, “Baka nga more than [one month ang bakasyon] kapag all-out support siya sa kanyang tatay, kasi ang sarap ding bisitahin niya kung saan naglilingkod ang kanyang tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi naman si Rommel ay bokal siya. Board member siya ng first district.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN