Coleen Garcia leaves Star Magic after seven years; signs up with Viva

IMAGE Noel Orsal

Coleen Garcia signs up with Viva Artists Agency and inks a five-year contract.


Lumipat na ng talent management arm si Coleen Garcia, 26, pagkatapos ng pitong taon sa Star Magic, ang talent management arm ang ABS-CBN.

Nitong Lunes, February 18, pumirma ng five-year contract ang aktres sa Viva Artists Agency, Inc. at nakatakda siyang gumawa ng 10 pelikula.

“It really took me a long time to decide and I figured that with this new chapter in my life, I really just want a fresh new start also, and I wanted a new beginning,” pahayag ni Coleen sa interview ng entertainment press pagkatapos ng contract signing.

Paliwanag pa ni Coleen, isa sa mga malaking kunsiderasyon niya sa paglipat ay ang pagtutok sa pag-arte sa pelikula.

“Kasi I’m really passionate about films. And I have been also wanting to work on more films, and I haven’t had the chance lately,” paliwanag nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon Enero 2018, pumirma ng five-year exclusive contract si Billy Crawford, asawa ni Coleen, sa Viva Artists Agency.

 Bago nito ay 10 taon siya sa ALV Talent Circuit, na pinamumunuan ni Arnold Vegafria.  

NO BAD BLOOD WITH STAR MAGIC

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coleen kung kumusta ang pagpapaalam niya sa Star Magic.

Tugon niya, “Okay naman po. Actually, I was surprised.

"Walang bad feelings talaga and nobody got hurt or got offended, kasi yun talaga ang kinakatakot, kasi I’m not confrontational.

“Takot talaga ako, when I walked in sa office. Ang bigat [ng pakiramdam] ko.

“Paglabas ko ang gaan, kasi I didn’t expect them to be so understanding, kasi naiintindihan din naman nila, especially now that I’m married, na I really have to decide for myself, especially when it comes to career.”

Ang kausap daw niya ay si Mariole Alberto, isa sa mga big boss ng Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since naman the start of my career, lalo na whenever may mga problema, talagang si Miss Mariole ang pinupuntahan ko.

"And she always helps me with everything," kuwento ni Coleen.

Nagsimula sa showbiz si Coleen noong 2011, pero aniya, pitong taon siya sa Star Magic.

“Binibilang ko yung mga [Star Magic] Ball ko, kasi yung first Ball ko, hindi pa ako nakapirma sa kanila, so kung ilan yung Star Magic Ball ko.”

Malaki raw ang utang na loob niya sa Star Magic dahil mula sa simula, ang talent management arm na ito ang nag-manage ng kanyang career.

“Actually, Star Magic talaga ang first management ko my whole life, commercial model pa lang ako when I started. And I never signed with anybody.

“Freelance talaga ako ever since.

“So, they were really my first management, dun talaga ako nag-start sa kanila.”  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close