Empress Schuck admits living with non-showbiz boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Empress Schuck admits living with Vino Guingona: "Opo. Pero kasi ano, e, based siya sa Zamboanga, so parang LDR [long-distance relationship] kami."


Apat na taon na ang relasyon ni Empress Schuck, 26, sa non-showbiz boyfriend nitong si Vino Guingona, 27.

Si Vino ay anak ng isang pulitiko mula sa Zamboanga.

Sabi ni Empress, “We’re okay po. We’re still together, we’re happy. Hindi pa kami kasal.”

Aminado ang aktres na nagli-live-in na sila.

“Opo. Pero kasi ano, e, based siya sa Zamboanga, so parang LDR [long-distance relationship] kami.

“Every month po siya umuuwi [dito sa Manila].”

Ngayong medyo matagal na ang kanilang relasyon at tatlong taong gulang na ang kanilang anak na si Athalia, may balak na ba silang magpakasal ni Vino?

Sagot ni Empress, “Opo naman. Siyempre kami na, family na kami, pero siyempre hindi pa napag-uusapan.

“Kasi ayaw naming magpadala sa pressure just because madami nagtatanong, ‘Bakit hindi na lang tayo magpakasal para matapos na, di ba?’

“Kasi when we had the baby, it wasn’t planned, biglaan.

“Siyempre magpa-family ka, kung magbi-baby ka kailangang planado, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just that, nagkamali kami noong time na yun.”

Pansamantalang lumisan sa showbiz si Empress noong 2016 nang mabuntis siya ni Vino, na mula sa maimpluwensiyang pamilya sa South.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empress sa grand media conference ng bago nitong show sa GMA-7, ang Hiram na Anak, kagabi, February 18.

Ang Hiram na Anak ay ipalalabas simula sa February 25 bago mag-Eat Bulaga!

Kasama rin sa cast sina Yasmien Kurdi, Lauren Young, Dion Ignacio, at Paolo Contis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

MARRYING VINO

Ayon pa kay Empress, ang pagpapakasal ay isang napakaimportanteng bagay para sa kanya.

Saad niya, “So, kapag may isang gagawin kaming importanteng bagay, which is yung marriage na importante, 'Sana naman this time kailangan planuhin natin. Bigyan natin ng importance talaga.'

“So, sana we’re going to make it right this time.

“So, kailangan ano kami, buo yung loob namin, planuhin talaga namin.

"Ayaw naming gawin just because napi-pressure lang kami.”

Ilang years pa ang hihintayin niya bago ito mangyayari?

Natatawang sagot ni Empress, “Di ko alam depende sa career.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN