Yasmien Kurdi on having a second baby: "Kung ibibigay po sa amin ni Lord... why not?"

IMAGE Noel Orsal

Yasmien Kurdi on taking up Political Science in college: "Nakita ko yung mga struggles ng mga Filipino doon, baka isang araw puwede ko rin sila matulungan in my own little ways. Hindi po ako maglu-law, pero if ever na itutuloy ko pa siya, baka mag-master na lang ako ng Consular Diplomacy."


Halos isa at kalahating buwan na lamang at ga-graduate na si Yasmien Kurdi sa kursong Political Science mula sa Arellano University.

Sa April 6 ang kanilang graduation ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC).

Balak ba niyang mag-aral ng law o pumasok sa pulitika balang araw kaya Political Science ang kanyang kinuhang kurso?

Saad ng 30-year-old Kapuso actress, “Hindi naman po. Dati kasi yung first course ko bago ako mag-Nursing was Foreign Service.

“'Tapos nung panahon na yun, kaya ako na-inspire na kunin yung course na yun [Political Science], kasi noong tumira kami sa ibang bansa, nakita ko yung mga OFW [Overseas Filipino Workers], yung mom ko mismo, overseas Filipino [worker].

“Nakita ko yung mga struggles ng mga Filipino doon, baka isang araw puwede ko rin sila matulungan in my own little ways.

“Hindi po ako maglu-law, pero if ever na itutuloy ko pa siya, baka mag-master na lang ako ng Consular Diplomacy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong halos fulfilled na siya bilang artista, asawa, at ina ni Ayesha (9 years old), nakaplano na ba ang pangalawang baby nila ng mister na si Rey Soldevilla Jr.?

Saad ni Yasmien, “Kung ibibigay po sa amin ni Lord, e, di why not? It’s a blessing po, anytime.”

Bakit matagal bago nila sundan si Ayesha? Nagpa-family planning ba sila?

Sagot niya, “Hindi naman po, kung anytime naman, kung ibibigay na ni Lord.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa grand media conference ng pinagbibidahan nitong teleserye, ang Hiram na Anak, na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network Center noong February 18.

Mapapanood ang Hiram na Anak bago mag-Eat Bulaga! simula sa February 25.

PASSION FOR ACTING

Nakakaangat sa buhay si Yasmien at ang asawa nitong si Rey, pero tuloy pa rin sa pag-aartista ang aktres.

Paliwanag niya, “Mahal ko po kasi yung ginagawa ko, e.

“Nag-give up ko siya before, nalungkot ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya tungkol sa pera, yung passion mo.

“Yung love mo for your work, na minsan ang hirap-hirap na, inuumaga kami, pero tina-try mo pa ring, ‘Gising, gising...’

"Kasi kung hindi mo gigisingin ang sarili mo, hindi gaganda yung eksena, di ba, papangit siya, hindi maganda and all.

“Yung love mo for work, hindi ko siya mabitawan dahil mahal ko yung trabaho ko.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN