Regine Velasquez fumes at netizens for bashing Morissette Amon

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @itsmorisette on Instagram

Regine Velasquez answers bashers who reacted negatively on her decision to give Morissette Amon the license to revive the Songbird's hit song, "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka." Regine tells bashers: "Umiinit ulo ko sa inyo. Ang pinaka ayoko yung napapahiya sa kagagawan ng ibang tao!!!!"


Nag-init ang ulo ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa tweets ng ilang netizens tungkol sa kanila ni Asia’s Phoenix Morissette Amon.

Sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN noong Linggo, February 17, may isang segment na tinawag nilang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka Challenge," kung saan ilang fans ni Regine ang pinakanta nila kasama ng Asia's Songbird at ni Morissette.

Ang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka" ay ang hit song ni Regine na na-release noong 2003.

Ito rin ang theme song ng pelikulang may ganung titulo na lumabas din nooog 2003. Pinagbidahan ito nina Regine, Christopher de Leon, at Dingdong Dantes.

View this post on Instagram

Pangarap Ko Ang Ibigin Ka Challenge abot na hanggang #asapnatinto stage!!! Abangan today!!! ????????????

A post shared by ASAP NATIN ‘TO (@asapofficial) on

Pagkatapos ng segment, ibinigay ni Regine kay Morissette ang karapatang mag-record ng kanyang version ng nasabing hit song ng Songbird.

View this post on Instagram

Bravo!!!

A post shared by ASAP NATIN ‘TO (@asapofficial) on

Pero ayon sa ilang netizens, hindi karapat-dapat si Morissette na mag-revive sa isang classic song ni Regine—ang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka."

Patutsada ng netizen na may na username na @destinyhope2016: “Hey @itsmorissette, hindi mo man lang tinanggihan si Queen Regine nung ine-echos ka nyang iyo na ang kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahadera ka kasi! Feeling mo talaga... starlet ka lang!

“NEVER MO MARARATING kahit ¼ ng achievements ni Regine or Sarah man.

“MAGKA-HIT song ka muna ulit.

“Kagigel ka!”

Pumalag dito si Regine.

Pahayag ng Kapamilya singer-actress: “Guys [what’s wrong] with me giving the song to her??? That song will always be mine but the [truth] is hindi ko naman ma rerecord yun at wala na akong magagawa dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ba’t ba mas marunong pa kayo sakin?”

REGINE: “I WANT HER TO RECORD THE SONG.”

Paliwanag pa ni Regine sa Twitter, gusto niyang mag-record si Morissette ng version na matatawag nitong kanya.

"I want her to Record the song so the new generation will know the song.

"She will definitely own it siyempre because that's what we do ako pag kumakanta ng [songs] ng ibang tao hindi naman sila nag re react ng ganyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng singer/actress/TV host, mahal niya si Morissette.

Huwag din daw siyang pagsabihan dahil interpreter lang siya ng kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BODY OF WORK

Kasunod nito, nag-private na ng kanyang account ang netizen.

Kaya pasaring ni Regine sa netizen: "O tapos naka private ayaw mapagsabihan pero kung makautos at maka pagsalita kayo sakin parang pagaari nyo ko."

Dagdag pa niya, "Besides my body of work is MY BODY OF WORK I don’t need you [to] protect that coz that’s finished already. Umiinit ulo ko sa inyo. Ang pinaka ayoko yung napapahiya sa kagagawan ng ibang tao!!!!

"It’s not protecting me pinapahiya nyo OA."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN