Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Jiggy Manicad excluded from Duterte senatorial lineup

IMAGE Facebook / News5/ Instagram

(L-R) Ramon "Bong" Revilla Jr., Jinggoy Estrada, and Jiggy Manicad are excluded from the senatorial lineup of President Rodrigo Duterte despite being included in the lineup of Hugpong ng Pagbabago, the political party formed by Davao City Mayor Sara Duterte, the President's daughter.


Laglag ang senatorial candidates na sina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at Jinggoy Estrada at dating GMA News reporter na si Jiggy Manicad sa senatorial lineup na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

Wala ang tatlong nabanggit sa proclamation rally ng administration party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa San Jose del Monte, Bulacan, noong Huwebes, February 14.

Sa rally ay ipinroklama ni Pangulong Duterte ang 11 senatorial candidates na kanyang iniendorso na nasa ilalim ng partido ng administrasyon.

Ang mga kandidato sa ilalim ng PDP-Laban ay sina Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, dating Metro Manila Development Authority Chair Francis Tolentino, dating Special Assistant to the President Bong Go, Maguindanao Representative Zajid Mangudadati, dating Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Guest candidates naman ng PDP-Laban sina Senators Sonny Angara, JV Ejercito, at Cynthia Villar; Ilocos Norte Governor Imee Marcos; Taguig Representative Pia Cayetano; at singer na si Freddie Aguilar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansing wala sa listahan sina Bong, Jinggoy, at Jiggy, kahit pa kabilang sila sa lineup ng Hugpong ng Pagbabago—ang coalition na binuo ni Sarah Duterte, anak ni Pangulong Duterte, na tumatakbo muling mayor ng Davao City.

"TOO LATE"

Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte kung bakit hindi niya inendorso sina Bong, Jinggoy, at Jiggy.

Saad niya, “Too late. They gave me the signal too late.

"Actually, about almost a year ago, I was already forming the ticket. But I just played dumb.

"Hindi ko naman sinasabi. Ganun man talaga."

Hindi man sila kasali sa mga inendorso ng Pangulo, nagpahayag pa rin ng suporta sina Bong at Jinggoy sa administrasyon.

Sabi ni Jinggoy sa kanyang official statement: “I respect the recent statements made by President Duterte and the decision of the PDP-Laban on their preferred senatorial bets.

"With or without the endorsement of the president, I will continue to be an ally of this administration."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman ni Bong sa isang panayam, "Basta mahal pa rin namin si Pangulong Duterte at nakasuporta pa rin kami sa kanya."

Sina Bong at Jinggoy ay parehong nasangkot sa Philippine Development Assistance Fund (PDAF) scam o pork-barrel scam noong 2014, kung saan ang businesswoman na si Janet Lim-Napoles ang itinuturong mastermind.

September 2017 nang mag-post ng P1.33 million bail si Jinggoy para sa kanyang pansamantalang paglaya mula mga kasong plunder at graft.

Gaya ni Bong, na-detain si Jinggoy sa Camp Crame mula pa noong June 2014.

Ayon sa resolusyon ng Sandiganbayan Special 5th Division, walang matibay na ebidensiya na si Jinggoy ay “main plunderer” ng pork-barrel scam.

"Not guilty" naman ang hatol ng Sandiganbayan noong December 2018 sa kasong plunder ni Bong.

Inakusahan si Bong ng diumano’y pagbulsa ng P224.5 milyong halaga ng ill-gotten wealth sa pamamagitan ng pagtalaga ng pondo sa bogus organizations na diumano’y nilikha ni Napoles.

Nahaharap pa rin si Bong sa 16 graft charges kaugnay ng pork-barrel scam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Bong Revilla not guilty of plunder in pork barrel scam case
Bong Revilla not guilty of plunder in pork barrel scam case
Bong Revilla denies feud with Robin Padilla
Bong Revilla denies feud with Robin Padilla
Jinggoy thankful for release after three-year detention
Jinggoy thankful for release after three-year detention


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN