Marco Gallo explains why he and Juliana Gomez broke up

IMAGE Noel Orsal / @marcogalloc Instagram

Marco Gallo no regrets about failed romance with Juliana Gomez: "Kasi sa tingin ko, when you get in a relationship with someone, kung hindi ikaw ang magsisilbing teaching sa partner mo, siya ang magsisilbing teaching para sa 'yo. I mean, OK, that's part of life. If one day magkatuluyan, OK. If not, OK lang." 


Nilinaw ni Marco Gallo na ang kanyang pag-alis sa Pilipinas noong July 2018 ang tanging dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Juliana Gomez.

Ito ay matapos ang ilang buwang pagkakamabutihan nila.

Si Marco, 18, ay dating Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate na nakabase ang pamilya sa Italy.

Si Juliana, 18, ay nag-iisang anak ng celebrities-politicians na sina Richard Gomez at Lucy Torres.

Hindi raw nila naisip na option ang long-distance relationship dahil may mga bagay na kailangang ayusin si Marco.

Paliwanag ng Familia Blondina actor: "Hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero nung panahon na yun, hindi ako ready for doing long-distance relationship.

"'Cause there were some stuff going on, other stuff na hindi love life. I prefer to focus on that first.

"Ngayon na tapos na, hindi naman sa sinasabi ko na love again.

"Yun lang, sa tingin ko kapag really seryoso ang usapan, you have to be focused and be mature."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahalaga ay pareho raw nilang naiintindihan ni Juliana ang kanilang sitwasyon noon.

"Opo naman, that’s actually one of the breakups na hindi matindi ang away," sabi ni Marco.

"We were just really friends afterwards.

"Hindi naman sa parang walang nangyari. But we preferred to go through it in a matured way."

Posible bang magkabalikan sila ngayong nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas?

Sagot ni Marco, "Hindi naman po. I mean, as of now, we're good as friends. Do not rush stuff."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco pagkatapos ng digicon para sa pelikulang Familia Blondina.

Ginanap ito sa 9501 Restaurant sa ELJ Building sa Quezon City, kahapon, February 19.

NOT A PUBLICITY STUNT

May mga ilang kumuwestiyon kay Marco kung bakit kinailangang aminin niya ang dating relasyon nila ni Juliana ngayong nagbabalik-showbiz muli ang binata.

Pero taliwas sa komentong publicity stunt lang iyon ni Marco, iginiit niyang wala siyang masamang intensiyon sa pagsasabing minsang naging espesyal sa kanya si Juliana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung bumalik ako, hindi ko naman plano na aminin. The point is, Tito Boy asked me.

"And in the meanwhile, in the few seconds that he asked me, I thought na ano bang masama kung aaaminin ko?

"There’s nothing bad as I killed someone, parang ganun.

"I thought that’s life. Yung mga ganung bagay nangyayari naman talaga, so parang OK, sige." 

Ang tinutukoy ni Marco ay ang unang pag-amin niya sa dating relasyon nila ni Julia, sa panayam ng binata sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, noong February 2.

DISMISSES BASHERS

Hindi siya apektado sa bashers?

"Hindi naman po. First of all, wala akong load sa cellphone. Hindi ko nababasa yun!

"As in, palagi akong nauubusan ng load dahil sa gaming!" natatawang sagot ni Marco. 

Dagdag pa niya, "Pangalawa, until walang nagsasabi sa harap-harapan ko, wala akong pakikinggan.

"Sure, they're comments. But they're from users online. I don’t even know them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can take the reminder to be be better. Pero if they're just bashing, not your work but you as a person, it's not worth it to listen to it."

Sa huli, idinaan na lang ni Marco sa biro ang kung anumang pambabatikos sa kanya.

Nakangiting sabi niya, "Kasi, sino sila sa buhay mo? Stress! Pimple lang!"


Stories We Are Tracking

Marco Gallo admits past relationship with Juliana Gomez
Marco Gallo admits past relationship with Juliana Gomez
Marco reacts to Juliana allegedly denying their relationship
Marco reacts to Juliana allegedly denying their relationship
Is Marco Gallo courting Juliana Gomez?
Is Marco Gallo courting Juliana Gomez?
Marco Gallo returns to Italy; leaves Star Magic
Marco Gallo returns to Italy; leaves Star Magic


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN