Lauren Young engages in word war with basher over her "someone is lying" comment

IMAGE Noel Orsal

Lauren Young to basher who accused her of implying that Janella Salvador lied: "Omg... I never said she was lying. But fine okay, yeah sure. Shes a liar, I'm a sawsawera and I totally used this opportunity so more people watch my new show #HiramNaAnak. Happy? THANKS!"


Inalipusta ng isang fan si Lauren Young dahil sa pahayag nito tungkol sa sigalot ni Janella Salvador at ex-boyfriend na si Elmo Magalona.

Naging ex-boyfriend din ni Lauren si Elmo kung saan tumagal ang kanilang relasyon ng halos tatlong taon.

Naghiwalay ang dalawa pitong taon na ang nakararaan.

Sina Elmo at Janella naman ay naghiwalay noong 2018.

Sigaw ng fan ni Janella sa Twitter na may handle name na @Super_Faney, nakikisawsaw diumano si Lauren sa isyu.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 19, naghayag ng opinyon si Lauren sa hiwalayan nina Elmo at Janella

Noong October 2018, inakusahan ni Janella si Elmo ng pisikal na pananakit sa kanya.

Saad ni Lauren sa artikulong nailathala sa PEP.ph kahapon: “I know Elmo very differently.

"I mean, siyempre ang pangit kasi if I would say I believe the girl, then what will my management say about it?

"But if I say that I believe the boy, then everyone’s gonna be, like, 'Oh, you’re a victim blamer!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, no matter what I say, someone will get angry.

"But for me, the safest answer and most showbiz answer for tonight is, it’s none of my business, because hindi ko kilala si Janella."

Dagdag pa niya: "For me, it’s either... I think someone is lying! Hahaha! I don’t know...

"Sometimes, some people bend the truth, some people… sucks if it’s true, sucks if it’s not true. Then, someone is a liar.

"But for me, it’s none of my business."


Stories We Are Tracking

Lauren comments on Elmo-Janella physical abuse issue
Lauren comments on Elmo-Janella physical abuse issue

NETIZEN SLAMS LAUREN

Kinagabihan, samu’t saring masasakit na salita ang ibinato ng ilang netizens kay Lauren dahil sa lumabas na artikulo.

Sa dami ng mga negatibong komento, isang tila fan ni Janella ang pinatulan ng aktres at palaban niya itong sinagot sa Twitter.

Tinawag ng netizen na "sawsawera" ang aktres.

Komento ng Twitter user na si @Super_Faney (published as is): “BAGAY NAMAN SAYO KONTRABIDA! SAWSAWERA!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"ANG EXPRIENCE MO, IBA SA EXPERIENCE NILA JANINE AT JANELLA WITH ELMO AY IBA! KAYA WALA KANG K NA IMPLY NA NAGSISINUNGALING SI JANELLA!

"BABAE KA DIN. ANG WISH KO ONE DAY MAY MANAKIT SAYO AT SABIHINNG NAGSISINUNGALING KA PAG KWENENTO MO!!!”

Hamon naman sa kanya ni Lauren: “Say this to my face if ever you see me. I dare you.”

Sumagot ulit ang netizen.

Sabi niya: “Tama na sana yung comment mo @loyoung na 'It's none of ur business' kaso may pahabol ka pa na 'I think someone is lying!!'

"It's only Janella who made a statement so ur implying she is lying!! How can u say that when u also said you dont know her!! U R CONTRADICTING YOURSELF GIRL!!"

Buwelta naman ng Kapuso actress: “Read the whole article before you tweet me in all caps to show how angry you are with what I said. Idk what happened between them, I just answered questions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And if I thought she was lying I would say it cause I’m not scared. But then again its none if my business right."

LAUREN: "I NEVER SAID SHE WAS LYING."

Hindi pa rin nagpapigil ang netizen.

Sabi niya kay Lauren (published as is): “Kaso may pagabol ba si @loyoung na kesyo 'I think someone is lying'. Eh kung nagsisinungaling si Janella. Bakit hirap na hirap si Elmong i-refute sinabi nya??

"Hindi nag iisip tong sawsawerang to, etong malaking pasa sa braso ni Janella, nilagay nya sa sarili nya?? BOBA!!"

Tila pang-asar namang sagot ng Hiram na Anak star: “Omg... I never said she was lying.

"But fine okay, yeah sure. Shes a liar, I’m a sawsawera and I totally used this opportunity so more people watch my new show #HiramNaAnak. Happy? THANKS!"

Buwelta ng netizen: “WHY WOULD I WASTE MONEY, TIME, EFFORT TO SEE YOU! NOT WORTH IT HELLOI! IT'S MORE THAN ENOUGH NA NABASA MO TO NG MALAMAN MO ANG LIMITASYON MO!! WALA KANG RIGHT AT BASEHAN PARA IMPLY NA NAGLI LIE SI JANELLA. KAYA MANAHIMIK KA!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik-sagot ni Lauren: “And you have no right to speak to me this way. You’re a speck of dust in my universe and you really don’t matter to me. So bye, girl.”

NOT APOLOGIZING

May isa namang netizen ang nagsabi kay Lauren na hindi na lang sana siya sumagot sa isyu.

Marami raw kasing tagahanga si Janella na nasaktan sa kanyang sagot.

Saad ng netizen, “Miss Lauren, sana di nalang po kayo sumagot abt the issue. ang daming Janella Fans ang nasaktan at na triggered mo dahil sa 'Safe answer' mo. Besides medyo matagal na din yung issue.

"And Kilala po namin si Janella, Hindi po siya attention seeker. Yun lang Godbless sa ating lahat."

Sagot dito ni Lauren, “I’m not going to apologize for doing my job: which is to answer questions during a press conference. My answers won’t please everyone, so be it.

"But like you said this issue is matagal na and I’m not part of it so I won’t say anything else on this in the future."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli namang nagkomento ang netizen na unang nakasagutan ni Lauren.

Sabi niya, “Eh ikaw masaya ka na?? Napansin yung natutulog mong career?? Mukang kulang pa pagkokontrabida! Subukanh mong mag bold, baka sakali makilala ka!! Loool”

Buwelta ni Lauren, “Excuse me, I am very happy with my career as I always have consistent work.

"You are rude and if you were my fan I would be ashamed to have you in my fandom because of how you speak to others.

"Shame on you for behaving this way."

Tweet muli ng netizen: “I WILL NEVER BE YOUR FAN. I STAN ONLY NICE AND RESPECTFUL PEOPLE! THOSE WHO ARE CONSIDERATE OF OTHER PEOPLE'S FEELINGS UNLIKE YOU :).”

Tugon ni Lauren: “Hahaha throwing this tweet back at ya so you can learn to practice what you preach.”

Pahabol ng netizen: "YOU STARTED IT! RESPECT BEGETS RESPECT :)

"AND PLEASE IF YOU THINK JANELLA IS LYING, HAVE THE GUTS TO SAY THAT TO HER FACE! I DARE YOU!"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit pinanindigan pa rin ng Kapuso actress ang kanyang sinabi.

Diin ni Lauren: "I NEVER SAID SHE WAS LYING."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN