Maja Salvador hints at rekindled romance with non-showbiz guy?

by Rachelle Siazon
Feb 20, 2019
Maja Salvador exchanges messages with non-showbiz guy who's rumored to be the same person who gave her a bouquet of roses last Valentine's Day. 
PHOTO/S: @rambonunez / @iammajasalvador Instagram

Tila makahulugan ang hirit ni Maja Salvador sa pagbabalik ng isang "true love."

Nag-ugat ito sa ibinahaging litrato ni Maja sa Instagram na kuha sa isang pristine white beach.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing "true love has a habit of coming back daw! kaya babalik ako dito soon [lovestruck and beach emojis]#WanderMaj"

Continue reading below ↓

Bagamat lugar ang literal na tinutukoy ni Maja, kapansin-pansin na sa comments' section ay nagpalitan sila ng mensahe ng nauugnay sa kanyang non-showbiz guy.

Ang non-showbiz guy ay natukoy bilang si Rambo Nuñez Ortega, na may Instagram handle na @rambonunez.

Ang tanging comment ni Rambo ay emoji ng isang lalaking tumatakbo.

Reply ni Maja, "@rambonunez saan ang punta mo?"

Isang simpleng hand signal emoji na nakaturo sa taas ang balik-sagot ni Rambo, na tila ang itinuturo ay si Maja na ang comment ay nasa gawing itaas ng iniwang comment ng binata.

Continue reading below ↓

Napa-comment din si Nenette Rustia, ang handler ni Maja sa Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN.

Magkahalong thinking emoji at laughing with tears emoji ang reaksiyon ni Neneth, na tila napapaisip din kung double meaning ba ang caption ni Maja.

Sumagot si Maja, na waring nagbabadyang handa na siyang ipakilala ang non-showbiz guy na nauugnay sa kanya.

Aniya, "nay @netdrustia paakyat na po ang resibo dyan ha [kiss and heart emojis]."

Continue reading below ↓

MAJA'S LOVE-FILLED VALENTINE

Unang naiulat noong February 16 na namataang kasama ni Maja ang natukoy na non-showbiz guy sa isang night out.

Naroon din ang malalapit na kaibigan ng Kapamilya actress na sina Kakai Bautista at Thou Reyes.

Kasabay nito ang espekulasyong si Rambo ang mystery flower sender ni Maja noong nakaraang Valentine's Day.

Ipinakita ni Maja noong Valentine's Day ang nilalaman ng note mula sa nagpadala sa kanya ng red roses.

"Thanks for being my Valentine again after 9 years," ang sabi sa message, na pagdating sa closing na "Love" ay putol na at hindi makikita ang pangalan ng sender.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador exchanges messages with non-showbiz guy who's rumored to be the same person who gave her a bouquet of roses last Valentine's Day. 
PHOTO/S: @rambonunez / @iammajasalvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results