Yasmien Kurdi admits husband gets jealous of her former suitor Dion Ignacio

IMAGE Noel Orsal

Yasmien Kurdi on misunderstandings with husband Rey Soldevilla Jr.: "Marami, marami po. Even mga simpleng bagay, maliliit na bagay na minsan, napag-aawayan niyo. Pero yun nga yun, marami rin akong natanong na mga married couples na ganun talaga. Habang tumatagal yung pagsasama niyo, ang mas importante, hindi yung parang kilig-kilig pa rin."


Sweet sa isa’t isa ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi at ang mister nitong piloto na si Rey Soldevilla Jr.

Pero may pagkakataong nagkakasunod-sunod ang posts ni Yasmien sa kanyang social media account na tila may pinagdadaanan ito.

May kaugnayan ba ito sa kanyang marriage?

Paglilinaw ni Yasmien, “Wala naman po.

"Pero if ever meron, part of marriage na may misunderstanding.

"But at the end of the day, palagi niyong aayusin."

Nagkaroon na ba sila ng major issues ng kanyang mister?

“Marami, marami po,” pag-amin niya.

“Even mga simpleng bagay, maliliit na bagay na minsan, napag-aawayan niyo.

“Pero yun nga yun, marami rin akong natanong na mga married couples na ganun talaga.

“Habang tumatagal yung pagsasama niyo, ang mas importante, hindi yung parang kilig-kilig pa rin.”

Ni minsan ay hindi raw nila naisip mauwi sa hiwalayan ang mga misunderstanding nila ni Rey.

Diin ni Yasmien, “Ay, never, never, hindi yun sumagi sa isip ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa grand presscon ng Hiram na Anak sa GMA Network Center noong February 18.

CONCERNED HUSBAND

Makakatambal muli ni Yasmien sa Hiram Na Anak ang dating ka-love team na si Dion Ignacio pagkatapos ng sampung taon.

Sina Yasmien at Dion ay parehong produkto ng unang batch ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA Network.

Natatawang sinagot ni Yasmien ang tanong kung may nararamdamang selos si Rey kay Dion.

“Meron din. Pero sabi ko sa kanya, 'Bakit naman kailangang magselos?'” saad niya.

Nagselos talaga ang mister niya?

“Yata!” natawang pag-amin ni Yasmien.

“Pero sabi ko nga sa kanya, wala namang dapat pagselosan.

“And nag-usap naman sila before, and sabi ko naman na okay naman, okay naman ang scenes namin, inaalagaan naman ako ni Direk Gil, yun, ganun.”

Inamin din ni Yasmien na nanligaw si Dion sa kanya at posibleng ito ang ugat ng selos ng mister niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po alam!” natawang sabi ni Yasmien, sabay diin, “Hindi po, hindi po naging kami.”

Napakaraming sabay-sabay na ginagawa ni Yasmien.

Bukod sa pagiging aktres, hands-on din siya sa pag-aalaga sa mag-ama niyang sina Rey at Ayesha.

Nagawa pa niyang ipagpatuloy ang kursong Political Science at isa siya sa ga-graduate at magmamartsa sa PICC ngayong April.

Kaya naman napagsasabihan daw siya ng asawa na huwag masyadong sagarin ang sarili.

Lahad ng aktres, “Meron siyang ganun, lalo na kapag sunud-sunod ang work.

“Sasabihin niya sa akin, ‘Alagaan mo naman ang sarili mo, kasi bakit mo sinasagad ang sarili mo? Hindi mo naman kailangan sagarin.’

“Kaya ang ginagawa ko, every other day lang ako nagwu-work.

“Halimbawa, punung-puno, sinasabi niya, 'Huwag mo nang tanggapin 'yan. Every day ang work mo, baka magkasakit ka na.’”

Hindi naman daw siya sinasabihan ni Rey na tumigil na sa pag-aartista.

Napagdaanan na raw nila ito noon at alam ng asawa ni Yasmien na passion niya talaga ang pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malulungkot talaga ako, kasi like yung nangyari dati, after pregnancy, malungkot talaga ako nun.

“Noong hindi na ako umaarte, wala akong ginagawa, parang hindi ko rin kaya.”

YASMIEN-DION REUNION

Unang morning teleserye ni Yasmien ang Ang Hiram na Anak, na magsisimula sa Lunes, February 25, bago mag-Eat Bulaga.

Aniya, “First time po kaya nga po medyo kakaiba itong Hiram na Anak.

“Una nga po sa lahat, pagbabalik-tambalan namin ni Dion Ignacio na marami kaming mga fans.

“Na noong nag-post nga po ako ng mga photos na kami ni Dion na magkasama, yung mga fans namin sa Africa…”

Ang tinutukoy ni Yasmien ay ang dating teleserye nila ni Dion na Saan Darating Ang Umaga?, directed by the late Maryo J. delos Reyes at ipinalabas sa iba’t ibang bansa ng Africa tulad ng Ghana at Ethiopia.

Kuwento pa ni Yasmien, “May mga nagme-message sa akin na mga taga-Africa. Wow, sina Shayne and Raul!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun po kasi ang name namin sa Saan Darating ang Umaga? Nagsama na naman kami sa Hiram na Anak, very excited sila.

“Sana nga po, maere ulit ito sa Africa para yung mga fans namin na African, mapanood nila.”

Sampung taon nga bago sila nagtambal muli ni Dion, at nakikita ni Yasmien ang malaking kaibahan ngayon kumpara noong mas mga bata pa sila.

Sabi niya, “Mas iba na, mas iba na ang roles namin, mas hindi na pa-tweetums. Mas mature roles na.

“Dati kasi, naalala ko kay Dion, madaling-araw na, nahihirapan akong umiyak.

“Sabi niya sa akin, maglagay raw ako ng Katinko… dito lang daw sa gilid ng mata ko. E, noong naglagay ako, sobrang naging mahapdi.”

Ang Katinko ay isang menthol ointment na pinapahid upang mawala ang hilo, kati, sakit sa katawan, at iba pa. Hindi ito dapat ipahid sa area ng mata at sensitibong parte ng katawan.

Naaalala pa ni Yasmien, “Nang mag-action na si Direk Maryo J, sabi niya, ‘Bakit hindi mo mabuksan ang mata mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang mga dati, pero sobrang saya namin noon.

“Lagi kaming nag-a-outing ni Direk Maryo noon, sa resort niya sa Laguna.

“Tapos, ‘eto, comeback namin ni Dion after ten years.”

Namayapa naman na si Direk Maryo noong January 7, 2018.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN