Ogie Alcasid challenges detractors of wife Regine Velasquez: "Ako harapin niyo."

IMAGE @ogiealcasid on Instagram

Ogie Alcasid defends wife Regine Velasquez from netizens who argued with the Songbird in social media, following an issue involving singer Morissette Amon.


Hinamon ni Ogie Alcasid ang ilang fans ng asawa niyang si Regine Velasquez matapos nilang galitin ang Asia’s Songbird.

Ito ay kaugnay ng pagbibigay ni Regine ng karapatan sa kapwa singer na si Morissette Amon na i-record nito ang 2003 hit song niyang “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.”

May ilang fans si Regine ang umalma at nilait si Morisette dahil hindi raw ito deserving gumawa ng sariling version ng kantang pinasikat ng Songbird.

Hindi ito nagustuhan ni Regine at sunud-sunod ang kanyang tweets para ihayag ang pagkadismaya sa mga naturang fans.

Depensa naman ng fans, pinoprotektahan lamang nila ang kapakanan ni Regine.

Pero hindi ito sinuportahan ng singer.

Sabi ni Regine sa isa sa kanyang tweets: "It’s not protecting me pinapahiya nyo [ako] OA"


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez fumes at netizens for bashing Morissette
Regine Velasquez fumes at netizens for bashing Morissette

Sa pamamagitan din ng Twitter, pinakalma naman ni Ogie si Regine.

Hamon pa ni Ogie sa ilang netizens: “Sino na naman ang umaapi sa asawa ko? Ako harapin nyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong Miyerkules, February 20, nag-post ng makahulugang tweet si Ogie.

Aniya, "You do not hurt or 'bash' someone you claim to love. It just doesn’t make sense."

Isa pang tweet ni Ogie, “Lets try to be kind.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN