Loisa Andalio defends Ronnie Alonte's "kanto boy" way of dealing with bashers

IMAGE Nikko Tuazon

Loisa Andalio refutes netizen questioning Ronnie Alonte's love for her: "Di ba yung [iba] maka-I love you, naglolokohan lang pala. Di ba, maraming ganun? Mas maganda na yung hindi nila alam pero kayo alam niyo. Para sa akin, mas okay na yun."


Ipinagtanggol ni Loisa Andalio ang boyfriend na si Ronnie Alonte mula sa pambabatikos na natanggap nito mula sa ilang netizens.

Nitong February 12, in-upload ni Loisa sa kanyang Instagram post ang lirato nila ni Ronnie at nilagyan ito ng caption na, "my one and only."

Sinagot naman ito ng Hashtags member ng "143" na nangangahulugan na "I love you."

Ngunit ilang netizen ang nagbigay ng isyu sa komentong ito ni Ronnie at tinanong ang Star Magic talent kung bakit hindi nito diretsahang sinasabihan ang girlfriend ng "I love you."

Reply naman ni Ronnie sa netizen: "Kahit mag I love you ako ng napakadami di dun ma babase yun! Mag I love you ka nga di naman totoo wala din. Mas importante ang gawa kesa salita. Gets?" 

Nagbigay naman ng reaksiyon si Loisa sa ginawang ito ni Ronnie.

"A, oo nga sira-ulo kasi yun [si Ronnie]," pabirong sabi ng Kapamilya actress nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, February 19, sa launch ng bagong packaging ng Gluta-C sa Mess Hall, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Loisa, natural lang ang naging reaksiyon ni Ronnie lalo't wala namang mali sa ginawa nito.

"Si Ronnie kasi ano talaga siya, laking kalye kasi kami, e.

"So siya, alam mo yung kanto boy na pag may umano sa akin, 'Sasagutin kita, wala akong pakialam sa 'yo.'

"Ganun si Ronnie, wala siyang pakialam kung anong sinasabi niya, basta pinagtatanggol niya yung sarili niya at tama naman yung pinaglalaban niya.

"Yun naman yung importante sa kanya."

Dagdag pa ng dating Pinoy Big Brother housemate, "Tama naman talaga, kasi hindi naman porke't artista kami, e, tama nang sabihan niyo kami ng kung anu-ano.

"Hindi naman kami sasagot nang pabalang, pero sasagot kami para ipaglaban yung sarili namin.

"Ipaintindi sa inyo kung anong side namin."

Sinang-ayunan din ni Loisa ang komento ng aktor na mas importanteng maipadama ng isang tao ang kanyang pagmamahal sa halip na sabihin lamang ang "I love you" bilang pakitang-tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman buo ang paniniwala nitong "actions speak louder than words."

Paliwanag pa ni Loisa, "Kasi minsan nga, meron nga diyan nag-a-I love you-han pero nagloloko lang pala, e.

"'Di ba yung [iba] maka-I love you, naglolokohan lang pala. Di ba, maraming ganun?

"Mas maganda na yung hindi nila alam, pero kayo alam niyo.

"Para sa akin, mas okay na yun, pero okay din naman yung pinagmamalaki mo siya sa mundo.

"Pero mas maganda na yung pinagmamalaki mo siya sa mundo at totoo ka kaysa yung kung anu-anong sinasabi.

"Mamaya nagloloko lang pala para lang sa showbiz, yung ganun."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN