Lito Lapid firm on decision not to join senatorial debates

IMAGE Courtesy of Ian Farinas

Lito Lapid, who is running for senator in the 2019 mid-term elections, is not keen on joining debates. He says, "Hindi naman siguro mapapakita sa debates yung kagalingan ng isang taong gustong tumulong para sa ating mamamayan."


Kahit yata tawasin, walang senatorial candidates ang makakapilit kay Lito Lapid na sumali sa mga debate.

Ang pagiging tahimik ni Lito, 63, ang dahilan para tuksuhin siyang miyembro ng “silent majority” sa Senado, mula nang manungkulan bilang senador noong June 2004 hanggang 2016.

Pero sa isang press conference nitong February 20, Miyerkules, sinagot ng veteran action star ang hamon sa kanyang sumali sa mga debate.

“Hindi naman ako nakikipag-contest sa pagalingan, e.

“E, sila naman may galing. Yung galing nila siguro’t alam nila hindi ko alam.

“Pero may alam din naman akong hindi nila alam.

“Hindi naman siguro mapapakita sa debates yung kagalingan ng isang taong gustong tumulong para sa ating mamamayan,” sabi ni Lito, na muling kumakandidato na senador sa mid-term elections sa May 2019.

May pangako siyang tututukan ang edukasyon ng mga kabataan kung sakaling mahalal siya.

“Nasa dugo ko rin ang tumulong sa ating mga kababayan, sa mga nangangailangan, lalung-lalo na pare-pareho kami na galing sa mahihirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na sa edukasyon, lagi akong binabanatan na hindi ako nakapag-aral, hindi ako nakapagtapos.

"Kaya yung mga bata ngayon na gustong mag-aral, naroroon ako, nagko-concentrate ako sa mga panukala na libreng kolehiyo, libreng tuition sa mga eskuwelahan, kaya lagi akong nakasuporta."

Dagdag niya, “Magsasaka rin naman ako sa probinsiya.

“E, talagang original naman na probinsyano ako."

Aminado si Lito na hindi siya mahusay sa English.

Pero rason niya, “Sana wala nang prime minister sa Japan, na hindi marunong mag-Ingles.

“Sa China, hindi rin marunong mag-Ingles, bakit nanunungkulan sa bansa nila?

“Bakit, kapag hindi ka ba marunong magsalita ng Ingles, mangmang ka na? Hindi naman, e.

“Yung alam nila, hindi ko alam, pero yung alam ko, hindi rin nila alam. Tabla lang.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN