Miss Universe 2018 Catriona Gray chooses crown over love life

IMAGE Noel Orsal / Instagram (@clintbondad)

Miss Universe 2018 Catriona Gray and boyfriend Clint Bondad make suggestive comments about their alleged breakup.


“The crown muna.”

Ito ang sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang matanong kung korona o love life ang kanyang pipiliin.

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang fourth Pinay Miss Universe para sa kanyang grand homecoming.

May lumabas na artikulo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong February 17, Linggo, na diumano’y break na si Catriona at ang boyfriend nito—ang model-actor na si Clint Bondad—pagkatapos ng anim na taong relasyon.

Pero wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa.

READ: Miss Universe 2018 Catriona Gray at Clint Bondad, matagal nang break?

Makahulugan ang sagot ni Catriona nang tanungin ng ABS-CBN reporter Mario Dumaual kung love life ba o korona.

“The crown muna!” sabay tawa ng beauty queen pagkatapos ng grand homecoming press conference niya sa Novotel, Cubao, Quezon City, nitong Miyerkules, February 21, Huwebes.

Dugtong pa niya, “It’s a once in a lifetime opportunity and being away, and the distance [between me and Clint], and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m a very focused person, so I really do wanna give everything that I have into this journey.”

CLINT BONDAD: “I’M NOT SURE.”

February 15, Biyernes, nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang eroplanong sinakyan ni Catriona.

Hindi inasahan ng nakararami ang pagdating ng reigning Miss Universe.

Mahigpit din ang security sa beauty queen at pinagbawalan ang media na ma-interview si Catriona.


Stories We Are Tracking

Miss U 2018 Catriona Gray arrives in PH under tight security
Miss U 2018 Catriona Gray arrives in PH under tight security

Pero maging si Clint ba ay hindi naabisuhan sa pagdating ni Catriona?

Sa “BOOM!” segment ng Eat Bulaga! noong February 16, Sabado, isa si Clint sa mga naglaro.

Kasama niya sina Marco Alcaraz, asawa ni Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, at Marc Nash, boyfriend ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Malaman ang mga binitawang salita ni Clint nang tanungin siya ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto kung nasaan si Catriona.

“Sa tingin ko, dito sa Pilipinas, ‘no?” pabalik na tanong ni Clint.

“Sa tingin mo?” sundot ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, I’m not sure. I’m not sure,” nangingiting sagot ng modelo.

Sundot ni Vic, hindi ba mahirap magkaroon ng girlfriend na maraming commitments?

Tugon ni Clint, “No. [It's] perfect. Sinabi ko na sa mga boys kanina, lots of freedom.”

Ang tinutukoy na "boys" ni Clint ay ang fellow guests niyang sina Marco at Marc.

Umiwas naman si Clint nang tanungin ni Vic kung “future asawa” niya si Catriona.

“I’m young,” sambit niya.

Sa Instagram naman, may sinagot na netizen si Clint tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Catriona.

Sinumbatan ng netizen si Clint kung bakit nag-guest siya sa Eat Bulaga! at nagpakilalang boyfriend ni Catriona kung break na pala sila.

Ang guests daw kasi sa nasabing episode ay mga karelasyon ng beauty queens.

Hindi kinumpirma o itinanggi ni Clint ang sinabi ng netizen.

Pero inamin ni Clint na nagulat din siya dahil hindi siya naabisuhan kung bakit siya kinuhang guest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Shows don’t always tell you why you are invited LOL I knew there was a possibility of a bomb exploding coloured powder all over me… How can one say no to that? Hahaha”

Pagkatapos nito, sunud-sunod na ang tanong ng netizens kung naghiwalay na ba sila ni Catriona.

Hindi na sumagot si Clint dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN