Is Ruru Madrid the mystery flower sender of Bianca Umali?

IMAGE James Patrick Anarcon / @rurumadrid8 Instagram

Bianca Umali posts photo of mystery flower-sender whose shirt looks like what Ruru Madrid was seen wearing in a recent Instagram post.


Binigyan nga ba ni Ruru Madrid ng long-stemmed red rose si Bianca Umali? 

Ito ang katanungan ng eagle-eyed netizens na agad napansin ang tila matching Instagram posts ng nauugnay na Kapuso stars. 

Noong Lunes, February 18, unang nag-post si Ruru ng litrato niyang may hawak na isang long-stemmed red rose. 

Nakasuot si Ruru ng white long-sleeved buttoned-down shirt na bahagyang bukas sa gawing leeg ng binata. 

Ang simpleng caption ng Kapuso actor: "For you my love [rose emoji]." 

Walang binanggit si Ruru kung sinong "my love" ang kanyang pagbibigyan. 

Sa comments' section, biniro si Ruru ng ilang celebrities na napansin ang paandar niyang red rose para sa isang di pinangalanang "my love." 

Kabilang dito sina Gabby Eigenmann, MJ Lastimosa, at Jackie Rice. 

Nagbiro si Jackie na ang comment kay Ruru ay "Thanks emong my [heart and tongue sticking out emoji]." 

Nag-reply si Ruru ng laughing with tears emoji. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Jackie at Ruru ay co-stars sa GMA-7 prime-time series na TODA One I Love, kung saan ang pangalan ng karakter ng binata ay Emong. 

Ngunit lumalabas na tila si Bianca ang tunay na pinagbigyan ni Ruru ng long-stemmed rose. 

Ito ay dahil sa matching post ni Bianca sa Instagram ngayong Huwebes, February 21. 

Makikita rito ang litrato ng isang taong nakasuot ng white long-sleeved buttoned-down shirt na may hawak na pulang rosas. 

Hindi kita ang mukha ng tao sa litrato, pero kapansin-pansing nakasuot ito ng damit na kahawig ng Instagram post ni Ruru. 

Ang tanging caption ni Bianca sa kanyang mystery flower-sender ay "para mi" na Spanish words para sa mga salitang "for me." 

Naka-off ang comments section ng post ni Bianca kaya hindi maka-react ang netizens ukol dito. 

MATCHING TATTOOS, SURFING, AND FAMILY GET-TOGETHERS? 

Hindi maiwasang maugnay sina Ruru at Bianca dahil makailang-beses na silang namamataang magkasama sa iba't ibang okasyon mula pa noong August 2018. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong October 2018, napagtagni-tagni rin ng ibang masugid na tagasubaybay ng dalawa na tila nagpalagay sila ng matching rose tattoos. 

Base ito sa magkahiwalay na larawan nina Ruru at Bianca sa isang tattoo shop noong panahong iyon. 

Noon ding October 2018, napag-alamang magkasama silang nag-perform sa isang restaurant sa Japan para sa trabaho. 

Pero malinaw na close nga sila dahil na rin sa magkasama silang nag-surfing lesson sa Siargao noong November 2018. 

Pagdating ng holiday break noong December 2018, may mga kumalat ding litrato sina Ruru at Bianca na magkasama sa hiwalay na family gathering ng kani-kanilang pamilya.

Sa ngayon, parehong tikom ang bibig nina Ruru at Bianca sa tunay na estado ng kanilang relasyon.


Stories We Are Tracking

Ruru Madrid, Bianca Umali spotted in Japan: Are they on?
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted in Japan: Are they on?
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted together in Siargao
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted together in Siargao
Ruru denies he and Bianca are in a relationship
Ruru denies he and Bianca are in a relationship
Ruru Madrid clarifies relationship status with Bianca Umali
Ruru Madrid clarifies relationship status with Bianca Umali


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN