Lotlot de Leon attests to Rayver Cruz's strength while his mom battled cancer

IMAGE Noel Orsal

Lotlot de Leon attests that Rayver Cruz remained professional on the set of their soap, even when few people knew his mother was battling pancreatic cancer. "Alam ko ang puso niya, na kahit nandito siya, nandoon sa mama niya."


Isa si Lotlot de Leon sa iilang nakakaalam ng pinagdadaanan noon ni Rayver Cruz dahil sa ina nitong na-diagnose na may cancer at kaulanan ay pumanaw.

Magkasama sina Lotlot at Rayver sa Kapuso afternoon drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Bukod dito, si Rayver din ang napapabalitang boyfriend ng panganay na anak ni Lotlot na si Janine Gutierrez.

Bilang co-stars at personal na magkakilala, paano sinuporthan noon ni Lotlot si Rayver?

Tugon ng seasoned actress, “Wala... kasi nagtitinginan na lang.

"Kung darating siya, yayakapin ko lang 'yan. But we really don’t talk about it on the set.

“Siyempre, nagtatrabaho rin siya.

“Although, alam ko ang puso niya, na kahit nandito siya, nandoon sa mama niya.

"Wala rin namang magagawa noong time na yun [kundi] is to support him lang talaga.”

Pero nakita raw ni Lotlot kung gaano ito naapektuhan noon.

“Masayahing tao kasi talaga si Ray kaya makikita mo sa kanya kapag seryoso ‘yan, tahimik or nakatingin lang sa baba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, itutulog na lang niya or nasa cellphone,” saad ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko, sa Quezon City, noong February 20.

Pumanaw ang ina ni Rayver na si Beth Cruz dahil sa pancreatic cancer noong February 2.


Stories We Are Tracking

Rodjun and Rayver Cruz's mother passes away
Rodjun and Rayver Cruz's mother passes away
Cruz clan mourns passing of Rayver and Rodjun's mom, Beth
Cruz clan mourns passing of Rayver and Rodjun's mom, Beth
Rodjun, Rayver Cruz lead dance in honor of late mom
Rodjun, Rayver Cruz lead dance in honor of late mom

SUPPORTING RAYVER

Sa nakikita niya ngayon kay Rayver, kahit paano ay naka-move na ba ito mula sa pagkawala ng kanyang ina?

Saad ni Lotlot, “Well, siyempre, it’s hard for him.

“I don’t think anybody can appease someone who lost someone very important to him.

"But, he’s very professional. Makikita mo kapag trabaho, trabaho."

Hindi talaga mapapalitan ang mga ina, pero si Lotlot ba ang nagiging mother figure ngayon ni Rayver?

Tugon ng aktres, “Mabait naman kasi talaga ang mga bata, kahit si RJ [Rodjun Cruz, kapatid ni Rayver] mabait.

"Yung brother nila, although hindi ko naman masyadong nakakasama, pero mababait ang mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, I’m just here when they need me. I’ll just support them.”

Patuloy niya, “And I don’t think anybody can replace his mom.

"At saka, marami rin naman siyang kamag-anak sa side ng mom niya, sa Cruz side, that I saw during the time they’re grieving.

“They’re very supportive.

“They’re one big family that’s there for one another. Makikita mo na gabi-gabi silang nandoon. Hindi nila pinabayaan ang tatlong bata.”

Sila rin naman, kahit na hindi masasabing kamag-anak, gabi-gabi rin sila halos nasa wake kasama ang mga anak niya, lalo na si Janine.

“E, siyempre, parang family na rin naman siya sa akin. That’s what we do,” pakli ni Lotlot.

Kung magkakatuluyan man sina Rayver at Janine, “nanay” na rin talaga siya ni Rayver bilang mother-in-law nito.

“Siguro, sila ang dapat na tanungin natin, hindi ako!” natawang sabi ni Lotlot.

“I don’t know, hindi ko alam... pero whatever happens naman, I’m close naman to them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON KRIS AND THEA

Masaya raw si Lotlot na maging bahagi ng Asawa Ko, Karibal Ko, na magwawakas na sa loob ng dalawang linggo.

“Kaya nakakatuwa kasi pinaghihirapan naman nilang lahat, lalo na yung dalawang bida nating babae,” saad niya.

Ang tinutukoy ni Lotlot ay sina Kris Bernal at Thea Tolentino, ang dalawang bidang babae sa kanilang teleserye.

Kung siya ang tatanungin, sino sa dalawa ang mas magaling umarte?

“Pareho naman sila, may iba-ibang style lang sila. But they’re both very good.

“At saka, bata pa sila, mas gagaling pa sila,” saad ni Lotlot.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN