Inigo Pascual emotional after death of fan-turned-friend

IMAGE Inigo Pascual Instagram

Iñgo Pascual on fan Arnie Espina, who died of acute myeloid leukemia: "She gave me a sense of purpose every time I performed."


Hindi napigilan ni Iñigo Pascual maging emosyonal at mangilid ang luha nang mapag-usapan ang tungkol sa isang avid fan niyang sumakabilang buhay kamakailan dahil sa sakit na acute myeloid leukemia.

Dinalaw ni Iñigo ang fan niyang nagngangalang Arnie Espina sa Ospital ng Makati noong 2018 at dito nabuo ang kanilang malalim na pagkakaibigan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Iñigo noong February 13 sa lobby ng 8th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN.

Dito ay naghayag siya ng saloobin tungkol sa pumanaw na tagahanga.

Lahad ng binata, "Its tough, when I found about it, I'm on my way to work in the States.

"Ang hirap ibahin ng isipan ko, ang hirap i-distract ang sarili ko from what happened.

"I'm just trying to make myself to think of positive things na she's not suffering anymore."

Patuloy ni Iñigo, "I think what hurt the most was I was ready for her recovery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We had that benefit gig for her and parang naging celebration siya for her passing.

"It kinda... like, it became a get-together before she had to go.

"In a way, naging masaya na rin ako na I was able to be with her on her last few days on earth.

"You know, its tough, its something we all have to go through.

"Before I go back to the States, hindi ko matanggap that I was gonna go back to that, that situation."

Nag-post din ang singer-actor ng madamdaming mensahe para kay Arnie noong February 6, at maraming mga kasamahan sa industriya at mga tagahanga ang nagpahayag ng pakikiramay kay Iñigo.



Ayon kay Iñigo, malaki ang naitulong sa kanya ni Arnie para mas pahalagahan ang talento niya bilang isang singer at artista.

"She really gave me something special that would never leave me.

"She gave me this sense of purpose na these things that we do, it's not about earning money, it's not about fame, it's about being able to affect those people that we don't know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I never knew until I was introduced to her, and I didn't know that I have the effect sa kanya.

"That's really, really special for me and hindi pa nagsi-sink in."

Nagpapasalamat si Iñigo sa pamilya ng sumakabilang-buhay na tagahanga dahil hinintay pa siya ng mga magulang nito na makauwi mula sa Amerika, mula sa Father And Son tour nila ng amang si Piolo Pascial, para makita niya si Arnie sa huling pagkakataon.

"Her parents are super sweet, they made sure that I will be able to see her before they do the funeral. 

"I don't know how to get myself to say how I feel, I don't know how to be able to act when I see the situation.

"This whole week, when I was in the States, I really had to distract myself.

"Every time I allowed myself to think about it, parang I can't, hindi ko kinakaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIGHTER

Hanga raw si Iñigo sa tapang na ipinakita ni Arnie nang harapin nito ang sakit.

Saad niya, "This is the first time that I was really attached to anyone na mayroong sakit at that age.

"Siyempre, if it's someone who is older, you're kind of prepared already.

"She was fighting, she was one of the bravest girls that I ever met in my whole life.

"She used to tell me that when she is fully recovered, she will come to my events.

"She said, 'Magpapagaling lang ako, I will go to your events to support you.'

"I guess it's the hardest part for me that I'll be doing my events and I'm still hoping that she'll be there in the audience.

"That was the hardest part for me to accept, but I know she'll be watching all of us.

"She's very close to, the Loveties are very close to her," sabi ni Iñigo, na ang tinutukoy ay ang kanyang fan club na Loveites. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was really happy that even to the last days, they were there for her, binibisita siya ng mga Loveties sa hospital.

"I was glad that they were able to build that bond not just with me but to the all group."

Nagpasalamat din si Iñigo sa kapwa singers, sa amang si Piolo, at sa mga tagahanga na tumulong para maging matagumpay ang isang benefit show noong January 2018, na ang kinita ay ibinigay kay Arnie.

"Ang daming nag-donate—Tito Martin [Nievera] , Dad, everyone, when they found out about her.

"We're ready to give right away, MarNigos, mga Loveties, nagpagawa sila ng mga T-shirts, all the things that they earned from it, they gave it to her."

Ang MarNigos naman ay mga tagahanga ng tambalan nina Iñigo at Maris Racal.

Sa pagpanaw ng tagahanga, nabigyan ng mas malalim na kahulugan ni Iñigo ang kanta niyang "Dahil Sa Iyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I sang the lyrics of 'Dahil Sa Iyo...'

"'Dahil sa iyo ako'y matapang, dahil sa iyo ako'y lalaban,' I never saw it a song to fight against leukemia, or any sickness.

"I wrote it as a song like I'm gonna fight every day because of your love for me.

"When she sang that lyrics, I never thought that it will have meaning to somebody else.

"Like what I've said, she gave me a sense of purpose every time I performed, every time I write my songs I want to be able to have that effect on people.

"She's gonna always be a part of that reason, part of that thing that keeps me doing my job.

"I'm just thankful that I was able to meet her."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN