Pinoy fans in awe of Miss Universe 2018 Catriona Gray at homecoming parade

IMAGE Allan Sancon

Pinoy fans step out of their offices to witness Miss Universe 2018 Catriona Gray's homecoming parade today, February 21. 


Hindi magkamayaw ang Pinoy fans na sumalubong kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa homecoming parade nito. 

Sakay ng isang lava-inspired float, si Catriona ay pumarada sa Metro Manila ngayong Huwebes ng hapon, February 21.

Nagsimula ang parada sa Sofitel Hotel grounds sa Manila, dumaan sa Roxas Boulevard patungong Buendia at magtatapos sa bandang dulo ng Ayala Avenue sa Makati.  

Saglit na huminto sa pagtatrabaho ang mga empleyado sa buildings at establishments na kasama sa ruta ng homecoming parade ni Catriona. 

Puno ng pagmamalaki at papuri ang netizens na nagbahagi ng kanilang reaksiyon nang masilayan ang fourth Miss Universe titlist mula sa Pilipinas. 

Isang ngiti at kaway lang ni Catriona ay ikinatuwa na ng kanyang mga tagahanga. 

Ang iba ay napaiyak pa sa sobrang tuwa. 

May nagbiro ring mala-Sang'gre ng Encantadia ng GMA-7 ang motif ng mga outfit ni Catriona.

Bigay-todo rin naman si Catriona sa kanyang flying kiss, pag-wave, at pagsayaw sa mga Pinoy fans na nag-abang sa kanya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tunay na Pinoy pride si Catriona!


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN