Manny Pacquiao appeals to netizens to stop bashing Karen Davila

IMAGE Courtesy: @iamkarendavila on Instagram

Senator Manny Pacquaio to netizens bashing Karen Davila: "Pakiusap ko lang po: LET US STOP THE HATE. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan ng ating bayan. Sa lahat ng pagsubok, tandaan po natin: God is good all the time!"


Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang "manner of questioning" ni Karen Davila kay Senator Manny Pacquiao sa programa nitong Headstart sa ANC noong Miyerkules, February 20.

Tinanong ng ABS-CBN broadcaster si Pacquiao kung sang-ayon ba ito sa panukalang dapat ay college-degree holder ang mga senador at presidente.

Kung ganun ang mangyayari, hindi na raw qualified ang Pambansang Kamao sa mga nasabing posisyon.

Mahinahon itong sinagot ni Pacquiao. Nag-aaral naman daw siya ngayon sa isang unibersidad sa Maynila upang matapos ang kanyang pag-aaral.

Bunsod nito, inulan ng batikos si Karen sa social media.

Naging “unprofessional,” “bastos,” at “rude” daw ang veteran broadcaster kay Manny na isang senador.

Tatlong araw na ang pangba-bash ng netizens kay Karen at nakarating ito sa boxer-politician.

Ngayong Biyernes, February 22, naglabas ng pahayag si Pacquiao upang pakiusapan ang netizens na tigilan na ang pambabatikos kay Karen.

Hindi raw siya na-offend sa paraan ng pagtatanong Karen sa kanya.

Trabaho lang daw ang ginagawa nito bilang interviewer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang buong pahayag ni Manny (published as is):

“This is in line with my recent interview with Ms. Karen Davila on Headstart which has been circulating online.

“That was my fourth time to be invited and have a sit down interview with Ms. Karen Davila.

“For the record, I was never offended by her manner of questioning.

“Isa po siyang batikan sa larangan ng Broadcasting at trabaho po niya na magbigay ng mabibigat na tanong sa taong kanyang ini-interview.

“Sa akin pong pagganap ng tungkulin bilang Representative ng Sarangani at ngayon bilang Senador, alam ko po ang mga hamon sa buhay kaya naipaliwanag ko ang aking saloobin noong ako ay nagdeliver ng speech sa Oxford University at Cambridge University na patuloy po akong natututo sa buhay.

“Kung may formal training sa boxing, may formal training din sa education.

“I continue learning not only in academics but also in life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I never quit and I never stop challenging myself.

“With God’s wisdom, I am pursuing formal education because it is important to gain deeper knowledge and better understanding on what is happening around us.

“Nais ko pong magpasalamat sa taong bayan sa kanilang supporta at pagmamahal sa akin.

“Pakiusap ko lang po: LET US STOP THE HATE. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan ng ating bayan. Sa lahat ng pagsubok, tandaan po natin: God is good all the time!

#PacmanNgBayan

Nagpasalamat naman si Karen sa pagdepensa sa kanya ni Manny laban sa bashers.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN