Kris Aquino says threat to snuff Nicko Falcis's life made "in the heat of the moment"

IMAGE Noel Orsal / Rachelle Siazon

Kris Aquino on grave-threat complaint of Nicko Falcis: "Kung talagang natakot doon sa mga pinagsasabi ko, September 27 nangyari yun, naghintay hanggang January 2019 bago ako kasuhan... E, ako, right away, nung pinadala 'to, nag-counter-affidavit kami kaagad, kasi I'm telling the truth."


#KrisAquinovsNickoFalcis

"Again, I would like to say a sincere apology because, in the heat of the moment, I said things that I should not have said."

Ito ang pahayag ni Kris Aquino nang humarap siya sa pagdinig ng reklamong grave threat na isinampa sa kanya nina Nicko Falcis at ang nakababata nitong kapatid na si Atty. Jess Falcis.

Kahapon ng tanghali, Biyernes, February 22, personal na isinumite at pinanumpaan ng aktres/TV host/web star ang kanyang counter-affidavit.

Pagkatapos ng hearing sa opisina ni Fiscal Rolando Ramirez ng Office of the Prosecutor sa Quezon City, humarap si Kris sa piling media reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kasama ni Kris ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby, at ang legal counsel niyang si Atty. Eloisa DV. Sy ng Divina Law.

Kinontra ni Kris ang alegasyon ng pananakot at panggigipit na ibinabato sa kanya ni Nicko, ang dati niyang malapít na katrabaho at kasosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kris, nasabi lamang niya ang masasamang salita kay Nicko sa kontrobersiyal nilang phone call dahil sa matinding galit niya rito.

Tuluy-tuloy na paliwanag ni Kris:

"May I just put everything in its proper context? Everything I've been accused of happened September 27 to be very exact.

"That was the last time we ever spoke to each other.

"I think normal lang ang naging reaksiyon ko—although humihingi ako ng paumanhin na dinamay ko ang pamilya ko.

"Pero kasi, it was not an easy day for me because that was the day I got my initial medical reports.

"And I think for anybody, most especially someone na nag-iisang pinapalaki ang kanyang dalawang anak, yung prognosis na nakuha ko nung panahon na yun, hindi maganda.

"And it was a very emotional moment for me."

Bukod sa pinagdaraanang health issue ay dumagdag pa raw ang away nila ni Nicko.

"I think, lahat ng nanay at tatay siguro, maiintindihan na pag nakita mo, pag umiiyak ang anak mo, lahat ng galit lalabas talaga," patuloy na depensa ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because in that illegally recorded conversation, lumabas naman dun, e, na very clear ko sinabi 'six months ago I was OK.'

"And then, at that particular time, pumangit na lahat ng mga blood results.

"Immediately after that, in three days, lumipad kami sa Singapore."

Sinabi rin ng kasamang abugado ni Kris, si Atty. Sy, na may kinalaman sa "PHP45 million investment" ni Kris ang pinagmumulan ng galit ng aktres kay Nicko nang magkausap ang dalawa sa telepono.

"There is no truth to the allegation against our client," paliwanag ni Atty. Sy sa reklamong grave threat na isinampa ni Nicko kay Kris.

"Whatever harsh—if you consider it harsh—words that were said, were said in the heat of passion.

"She was very angry because our client is demanding an accounting for the money that was given to him to invest.

"It seems that no accounting is forthcoming so the anger directed at him by our client is, I believed, justified."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado raw si Kris na hindi niya dapat tinuran ang mga nasabi niya sa phone call nila ni Nicko.

"I know, as a parent, I should give a good example sa mga anak ko.

"Ang mga bagay, lalung-lalo na pag nasasaktan ka, hindi dapat idinadaan sa dahas ang pag-aayos nun," saad niya.

Pero depensa ni Kris sa sarili, "Sana naman sila, tigilan na nila ako. Sumusobra rin naman.

"At ang lahat ng tao, kahit siguro pinaka-angelic na tao ka na, kahit madre, kahit pari siguro, pag araw-araw iniinsulto ang pagkatao mo, bibigay ka rin."

Si Nicko ay nagsilbing project director ng digital company ni Kris na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) mula April 2017 hanggang September 18, 2018.

Bukod dito ay magkasosyo rin sina Kris at Nicko sa ilang food businesses.

THE GRAVE THREAT COMPLAINT

Noong January 18, 2019, sinampahan nina Nicko at Atty. Jess ng two counts of grave threat si Kris. 

Kaugnay ito ng pagbabanta ng aktres sa buhay ni Nicko nang magkausap sila sa telepono noong September 27, 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris kay Nicko: "YOU FUCKING ASSHOLE NICKO!

"Huwag ka ng bumalik ng Pilipinas!

"Papapatay ka ng pamilya ko!

"Dare to step in this country and you will be DEAD!"

Ang paggamit ng malalaking titik dito ay base sa sinumpaang salaysay nina Nicko at Atty. Jess na kanilang isinumite sa Office of the Prosecutor ng Quezon City.

Nakasaad din dito na noong September 18, 2018—o siyam na araw bago naganap ang kontrobersiyal na phone call—ay nagkaharap sila sa bahay ng aktres sa Quezon City noong September 18, 2018.

Dito raw pinagsisigaw-sigawan, tinakot, at ginipit ni Kris si Nicko.

Sapilitan daw na pinapipirma ni Kris si Nicko ng Quit Claim at Non-Disclosure Agreement upang wakasan ang kanilang business association.

Sanhi raw ito ng pagbunton ni Kris ng galit kay Nicko dahil sa mga isyung wala umanong kinalaman sa huli.

Ayon pa rin kay Nicko, noon ding September 18 unang kinuwestiyon ni Kris ang ilang expenses na ginasta ni Nicko gamit ang credit card para sa KCAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan daw ni Nicko magpaliwanag na panay "business expenses" ang mga iyon at hindi para sa kanyang personal na gamit.

Pero hindi raw pinakinggan ni Kris ang anumang paliwanag niya at pina-ban pa raw siya sa exclusive village kung saan nakatira ang aktres.

Upang maibsan ang galit ni Kris, nagdesisyon daw si Nicko na magbigay ng tsekeng nagkakahalaga ng PHP437,595.67, na may petsang September 18, 2018, na pambayad kay Kris.

Pero nang magkausap nga sila noong September 27, 2018, matindi pa rin daw ang galit ni Kris at tuluyang pinagbantaan na "ipapapatay" si Nicko sa oras na bumalik ito sa Pilipinas.

Nasa Thailand noon si Nicko, dahil na rin umano sa utos ni Kris na kailangan niyang mangibang-bansa, bilang bahagi ng umano'y "media plan" ng web star tungkol sa paghihiwalay ng kanilang landas bilang business associates.

KRIS ON NICKO: "BINABALIKTAD NILA YUNG KUWENTO."

Sa puntong ito, inalmahan ni Kris ang umano'y pambabaligtad sa kanya ni Nicko gayong ang TV host-actress daw ang pinagnakawan ng dating project director ng KCAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ito ng 44 counts of qualified-theft complaint na isinampa ni Kris kay Nicko, simula noong October 12, 2018, sa Office of the Prosecutor sa pitong siyudad ng Metro Manila—kabilang ang Mandaluyong, Quezon City, Taguig, Pasig, Manila, San Juan, at Makati. 

Diumano, gumasta si Nicko ng PHP1.2M gamit ang credit card para sa gastusin ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) nang walang pahintulot ni Kris.

"Because rather than showing remorse sa ginagawa nila, binabaliktad nila yung kuwento," giit ni Kris.

Patuloy niya: "Ito lang sasabihin ko, ha? Kung talagang natakot doon sa mga pinagsasabi ko, September 27 nangyari yun, naghintay hanggang January 2019 bago ako kasuhan [ng grave threat].

"And that was the time lahat ng extensions, na ginawa nila para mapahaba yung kaso at para di sila humarap sa husgado, ginawa nila sa akin.

"E, ako, right away, nung pinadala 'to, nag-counter affidavit kami kaagad, kasi I'm telling the truth."

Ayon kay Kris, handa siyang harapin si Nicko sa sanga-sanga nilang legal complaints laban sa isa't isa dahil nasa panig siya ng katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I believe the truth is on my side. The problem is, this is not a fight that should be done in social media.

"Because I have tried my very best na manahimik ako, because I know kung labanan lang 'to ng followers, hindi hamak I have four million more than they do, and that's only on one social media account.

"Pero ang ginagawa ko, yung tamang paraan.

"And gusto ko bigyan ng tamang respeto ang ating Philippine judicial system.

"That's why sinagot ko lahat ng mga accusations against me." 

KRIS TO NICKO: "LET'S SEE EACH OTHER."

Sa huli, hinamon ni Kris si Nicko, pati na rin ang kapatid nitong si Atty. Jess, na magharap-harap sila sa susunod na hearing sa fiscal's office sa Quezon City, na nakatakda sa March 8.

Ito ay dahil sa hindi nagkrus ang landas nina Kris at Nicko sa piskalya nitong February 22.

Bilang respondent sa reklamong grave threat, si Kris ay required humarap sa city prosecutor para personal na sumpaan ang kontra-salaysay sa alegasyon nina Nicko at Atty. Jess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang complainants, hindi kailangang naroon sina Nicko at Atty. Jess.

Si Kris ay hindi sumipot sa piskalya sa dalawang naunang pagdinig noong February 8 at February 15.

Noong February 15 ay dumalo si Atty. Jess, pero wala pa rin si Kris dahil nasa Japan ito noong linggong iyon.

Sabi naman ni Kris: "I'm so looking forward to finally seeing them.

"Ang tapang-tapang sa social media, pero ano na bang araw ngayon?

"Today is already February 22, and they still have not had the courage to face me.

"Di ba? Parang, sorry ha, pero andami niyong sinabi laban sa akin. Pero hindi niyo naman ako kayang harapin."

Umaasa raw si Kris na magkakaharap na sila nang tuluyan ng dating KCAP project director.

"So, hinahamon ko kayo. On March 8, let's see each other.

"And I would like to request the press to not be present," sabi ni Kris, na nagtanong pa sa abugado nito kung posibleng walang media sa March 8. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, "Para hindi ito maging circus. Gawin natin ito sa tamang paraan.

"Respetuhin natin ang batas ng Pilipinas at magharap tayo." 

Magkaalaman na raw kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Ani Kris, "Kung anu-anong binibintang niyo sa akin. Pero ako, lahat ng binintang ko sa inyo, ni minsan hindi niyo pa rin kayang sagutin.

"So, magharap tayo with nobody. Let this not be a trial by publicity.

"But let this be a trial in the Philippine court system, which I respect.

"And I do believe that justice will be served because I know I am innocent."


Stories We Are Tracking

Kris Aquino says she will never forgive Nicko Falcis
Kris Aquino says she will never forgive Nicko Falcis
Kris Aquino refuses to confront Gretchen Barretto
Kris Aquino refuses to confront Gretchen Barretto
Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name
Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name
Kris Aquino just bluffing when she threatened Nicko Falcis
Kris Aquino just bluffing when she threatened Nicko Falcis

Taliwas naman ito sa kontra-pahayag ni Nicko, na naninindigang hindi siya kailanman nagnakaw sa actress/TV host/web star.

Sinasabi ng dating KCAP project director na ang alegasyon ni Kris na ninakawan niya ito ay bahagi lamang ng "script" o "media plan" ng TV host-actress upang puwersahin umano si Nicko na sumunod sa "unreasonable demands" nito.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Nicko shows P500K credit-card expenses approved by Kris
Nicko shows P500K credit-card expenses approved by Kris
Nicko hits Kris for trivializing her threat to his life
Nicko hits Kris for trivializing her threat to his life
Nicko Falcis:
Nicko Falcis: "Kris is the master of fabricating the truth"
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming

MUM ON JUNKED THEFT COMPLAINT

Sa kabilang banda, ibinasura ng Office of the Prosecutor ng Makati City ang 44 counts of qualified-theft complaint na isinampa roon ni Kris laban kay Nicko.

Kahapon, February 22, naiulat dito sa PEP.ph na ayon sa prosecutors ng Makati ay walang sapat na ebidensiyang inihain si Kris na magpapatunay na walang pahintulot ng aktres ang paggamit ni Nicko ng credit card para sa gastusin ng KCAP.

Base ito sa nakuha ng PEP.ph na kopya ng desisyon ng piskalya, na pirmado ni Assistant City Prosecutor Paolo C. Barcelona at inaprubahan ni Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel D. Medina.

Nakasaad ditong hindi nagsumite si Kris ng anumang kopya ng kasunduan nila ni Nicko ukol sa paggamit ng naturang credit card para masabi kung authorized o hindi authorized ang paggamit nito.

Nakapangalan din daw kay Nicko ang credit card kaya hindi maituturing na pagnanakaw ang paggasta nito gamit ang credit card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ng reaksiyon ang abugado ni Kris na si Atty. Eloisa DV. Sy hinggil sa junked qualified-theft complaint na isinampa ng aktres sa piskalya sa Makati.

Pero tumangging magkomento si Atty. Sy dahil hindi raw siya ang abugadong may hawak sa naturang legal complaint ni Kris laban kay Nicko.


Stories We Are Tracking

Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court
Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court
Nicko
Nicko "grateful, humbled" by dismissal of Kris complaint


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN