Miss Universe PH franchise stays with Araneta Group, confirms Miss Universe Organization

IMAGE Noel Orsal

The Miss Universe Philippines franchise stays with the Araneta Group and Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) headed by Miss Stella Marquez Araneta. In photo: Miss Universe 2018 Catriona Gray and Ms. Araneta, BPCI chairperson during the former's homecoming presscon in Manila.


Sa wakas ay tinuldukan na ng Miss Universe Organization (MOU) ang usapin kung sino ba talaga ang may franchise ng Miss Universe Philippines: ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ng Araneta Group o ang LCS Group ni Chavit Singson.

Sa isang opisyal na pahayag ng MUO na ipinadala sa Manila Bulletin, at na-publish ngayong araw, February 23, sinabi ng MUO na ang Miss Universe Philippines franchise ay mananatili sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ng Araneta Group.

Pinuri din ng MUO ang pamumuno ni Jorge Araneta ng Araneta Group at ni Stella Marquez-Araneta ng BPCI sa Binibining Pilipinas pageant sa bansa na may halos limang dekada na.

Suportado naman daw ni Chavit ang MUO at ang BPCI “in seeking to modernize and grow the brand into more than a one day special and LCS (Luis Chavit Singson) has agreed to support us in our efforts to do so.”

Dagdag pang pahayag ng MUO sa ulat ng Manila Bulletin: “In our continuing efforts to build and evolve the Miss Universe brand in the Philippines, the Miss Universe Organization has explored many options and opportunities to enhance Binibining [Pilipinas] and grow it into a dynamic, multi-faceted platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"While exploring these opportunities, we sought the input of all of our partners and will continue to do so.”

Gaganapin ang Binibining Pilipinas 2019 sa darating na Hunyo.

Matatandaang nitong Disyembre 2018 lamang ay umugong ang balitang si Chavit na at ang kanyang LCS Group diumano ang may hawak ng Miss Universe Philippines franchise kasunod ng matagumpay na Miss Universe 2018 sa Thailand kunsaan isa ang politician-businessman sa mga major sponsor.

Ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray ang tinanghal na Miss Universe 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Miss Universe 2018 Catriona Gray during her homecoming presscon in Manila.
 IMAGE Noel Orsal

Si Chavit naman ang magiging financier sa Miss Universe 2019 na gaganapin sa South Korea.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN