Kristofer King camp appeals to Coco Martin for financial assistance

IMAGE Arniel Serato

Concerned friends of indie actor Kristofer King appeal to Coco Martin for financial assistance. Kristoffer is currently in critical condition at the Adventist Medical Center Manila.


Kaninang Sabado ng umaga, Pebrero 23, isinugod ang aktor na si Kristofer King sa Intensive Care Unit ng Adventist Medical Center Manila, sa Donada St. malapit sa LRT Buendia station.

Sinabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Bheng Canon, kaibigan ni Kristofer, na huminto ang heartbeat ng aktor ng mga limang minuto.

“Maaga pa lang kaninang umaga, mga 7am, tinawagan na ko ni Sunny Garcia," pagtukoy ni Bheng sa kasama ni Kristofer noong sandaling iyon.

Ayon sa text message ni Sunny kay Bheng tungkol sa kalagayan ng aktor na isang diabetic: “Infection, pneumonia, heartburn, sciatica. Tough time here. Tumirik puso five minutes.”

Hindi na lang ba nagising si Kristofer kaninang umaga at huminto na lang ang pagtibok ng puso nito?

“Hindi na niya nasabi sa akin. Pinakontak na niya agad sa akin si Coco,” kuwento ni Bheng.

Ang tinutukoy na Coco ay si Coco Martin, na kaibigan ni Kristofer mula pa noong indie years ng una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinanong lang ako ni Coco kung ano ang sakit at kung anong ospital.

“Mag-uutos lang yun para mag-asikaso, like dun kay Julio nung ma-ospital,” salaysay ni Bheng, na matalik ding kaibigan ng aktor na si Julio Diaz.

Dagdag ng source, inamin daw sa kanya ni Sunny na "crucial ang first 48 hours" ng aktor sa ICU.

Nag-follow up din ito ng apila sa kung sino man ang puwedeng magbigay ng financial assistance dahil tinatayang tatlong araw ito mamamalagi sa ICU.

“Those who will chip in tulong, we'll accompany sa admittance,” parte ng message ni Sunny kay Bheng. 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN