Dulce recalls career low when she almost lost her voice

IMAGE Facebook

Singer and OPM advocate Dulce recalls a low point in her career when she almost lost her voice: "Oo, nawalan ako ng boses, I was hirap na hirap. But then you know, doon mo makikita yung grasya. Hindi nakita ng mga tao na hirap na hirap ako. That was 1995, 1996."

 


Hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ang husay ni Dulce sa pag-awit.

Kailan lang ay muling nagbalik-tanaw ang kilalang belter sa kanyang humble beginnings bilang isa sa mga respetadong singer sa OPM circuit sa loob ng maraming dekada.

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dulce sa nakaraang book launch ng Doc Rob’s Guide to Better Health and Wellness noong Pebrero 9, na ginanap sa mismong clinic ni Rob Walcher sa T. Morato Ave., Quezon City.

Si Rob ay isang chiropractor at kilala rin sa showbiz bilang asawa ng dating sexy star na si Patricia Javier.

Panimulang kuwento ni Dulce, “Ang training ko, kumakanta ako sa puno at sa mga tangke sa probinsya, kasi wala naman akong radyo o TV, di ba?

“Pero nandun na yung gift, namana mo na yun.

“Kumakanta yung nanay ko sa kapilya.

“So, nandun na yung pagkanta. Kasi natanong ako, 'Belter ka na ba ever since?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung ano yung belter. Ang alam ko lang malakas akong kumanta.

“Kaya naging ganun because of my desire na marinig ako, yun lang yun.

“Kaya ako kumakanta nang malakas, para mapakinggan ako.”

IMPORTANCE OF DYNAMICS

Ano ang basehan para masabing magaling ang isang singer? Yung kakayahang bumirit? Yung taas ng boses?

“Hindi. Kasi hindi nasusukat yung galing sa pag-awit sa palakasan o pataasan ng boses.

“Siguro nagkataon, as a gift, ito yung naibigay sa akin but you have to learn how to... kumbaga, rendahan mo siya.

“Alam ko kung kailan ka bibirit, alam mo kung kailan ka magwawala, alam mo rin kung kailan hanggang dito ka lang.

“Yun ang dynamics na tinatawag.”

LOW POINT IN HER CAREER

Nang matanong ang veteran award-winning singer tungkol sa panahong muntik na niyang talikuran ang pagkanta, seryoso itong nagkuwento.

Aniya, “Yes, dumating yan, during those struggles in life.

“In fact, there was one time na nag-usap tayo na masyado akong tinablan doon sa sinabi mo sa akin..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naiiyak ako kapag naalala ko, anyway, that was the time na I had to give up singing because hindi ko na kaya.

“But alam mo na ito yung... kung lagi ninyo akong nariringgan na lagi kong kinu-connect ang Diyos, dahil totoo yun.

“Because yun yung tinatawag na walang-wala ka na, wala ka nang mapuntahan.

“Yun ang point na alam mo na ang puwede mo lang tawagin ay Diyos.

“And when I surrendered everything, kumbaga, losing my grip on everything around me at i-focus ko na lang yung... 'Okey, may nagbigay sa akin ng buhay, may nagbigay sa akin ng talent. Doon ako.'

“Kung anong matira sa akin, kung anong tatanggalin, kung anong ibibibigay, yun na lang.

“Dumating ako sa puntong yun.

Nawalan daw ng boses si Dulce kasabay ng pagkawala ng pag-asa niyang ipagpatuloy ang pagkanta.

Pagpapatunay pa niya, “Oo, nawalan ako ng boses, I was hirap na hirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then you know, doon mo makikita yung grasya..

“Hindi nakita ng mga tao na hirap na hirap ako. That was 1995, 1996.

“This was before my ex-husband connected to that situation in my life na may mga issues na ang dami-dami.”

Hindi na gusto pang balikan ni Dulce ang failed marriage niya sa dating asawa lalo’t tahimik na ang kani-kanilang buhay.

Nag-concentrate na lang siya sa pinagdaanang hirap sa pag-awit noon.

Patuloy nya, “Actually, natanong ako diyan kung kailan yung bad performance.

“Alam ko may mga bad performances ako, pero ito yung sinasabi ko na grace and favor ng Diyos, kung bakit ako hindi matandaan ng mga tao na may mga pangit akong performances.

“Ibig sabihin, kahit yung time na pangit, ang sama ng boses ko, bakit ang natatandaan lang nila yung tumanggap sila ng mensahe from me?

“So, I really believe it is not really yung kung anuman yung nangyayari sa 'yo, yung quality, but yung sincerity of the song and the message you send across tinanggap ng tao...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kung ito ay nakaka-relate doon sa situation niya or ramdam niya yung sinseridad mo, yung pagpaparamdam ng mensahe or ikaw mismo reaching out.

“So doon mo nakikita yung regardless pala na may pangit na nangyayari around you ang nakikita pala ng tao sa 'yo is yung gift ng Diyos sa 'yo.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN