Dulce theorizes why Pinoys are blessed with singing talent

IMAGE Facebook

Singer and OPM advocate Dulce draws from Biblical references to explain her theory as to why Pinoys are exceptionally-gifted singers: "Kung aaralin talaga yung travel from that area of Israel to the Philippines, yung pagkalat ng tribo, ng twelve tribes of Israel, yung Levites, napunta sa area na 'to. Yun yung mga singers."


Sa paniniwala ni Dulce, may impluwensya mula sa isang tribo sa Israel ang pinanggalingan ng husay ng mga Pinoy sa larangan ng pag-awit.

Simula niyang paliwanag, “Actually, sa sarili ko lang itong pananaw, pero parang may truth din dito.

“Noon, naringgan ko na may sinabing, ano ba itong direksyon ng Pilipinas? From the land of kung saan nanggaling ang tribe of Jacob, the twelve tribes of Israel...

“Kasi sa children of Israel... naku, paano ko ba i-explain 'to?

Paglinaw niyang mabuti, “Kasi ang Israel, ang bansang yan kalat-kalat, parang kailan lang yan nabuo.

“Yung tribes niya, yung mga anak ni Jacob.

“Si Jacob naging Israel, labingdalawang anak.

“Doon sa labingdalawa yung Levi na tinatawag, yung the tribe of Levi, yun yung mga worshippers, yun yung mga kumakanta.

“Kumbaga, kung sa templo ito, sila yung tiga-serve sa temple.

“Ito ang pananaw ko na mukhang sumakto.

“Kung aaralin talaga yung travel from that area of Israel to the Philippines, yung pagkalat ng tribo, ng twelve tribes of Israel, yung Levites, napunta sa area na ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun yung mga singers. Kahit na sabihin pang kung inima-migrate man nila yan, I really believe na yun yun.

“Actually, hindi lang Cebu, e.

“Napansin mo na Visayas and Mindanao, ang mga singers, ang gagaling.

“Akala lang nila noon dahil puro Cebu ang napansin—Vernie Varga, Vina Morales, Pilita Corrales, Manilyn Reynes—so parang Cebu lang lahat...

“Actually hindi, it’s really the Philippines.

“Kasi ito yung direksyon na talagang aaralin mo siya scientifically, sukatan ng whatever.

“Yung direksyon, yung pagkalat ng tribes of Israel, yung Levites, yung mga worshippers na walang bayad na kumanta sa temple, yun ang napunta sa direksyon na ito.

“Kung ito ay lalawak sa usapin na ito pagdating ng panahon, mukhang magiging intresado tayong alamin yan later on.”

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dulce, sa nakaraang book launching ng Doc Rob’s Guide to Better Health and Wellness noong Pebrero 9, na ginanap sa mismong clinic nang nasabing Chiropractor sa T. Morato Ave., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIBLICAL BASIS

Ang pagbabasa ng bibliya ang pinagbasehan ni Dulce para sa kanyang theory tungkol sa kuneksyon ng Pinas sa sinasabi niyang Tribe of Levi, o temple worshippers.

Pahayag pa niya, “Since hindi na ako tumigil nang kababasa ng Bible, yung mga biblical truths...

“Kasi madalas naghahanap ako ng kuwentong very interesting.

“Ang lahat ng kuwentong interesting doon nagsimula lahat, e. Kung paano nagsimula yung mga tribo na yan.

“So, tayo may pinanggalingan from the tribes of the children of Abraham.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN