Angel Locsin ignores people deliberately misunderstanding her

IMAGE James Patrick Anarcon

Angel Locsin says she feels no need to explain herself to "people who are committed to misunderstanding me."


Walang plano si Angel Locsin na sagutin ang mga taong nambabatikos sa kanya.

Ito ang pahayag ng Kapamilya actress sa kanyang matalinhagang Instagram post kagabi, Pebrero 24.

Hindi direktang tinukoy ng The General's Daughter star kung ano ang nag-udyok sa kanyang depensahan ang sarili.

Ang tanging pahayag lang ni Angel: "A long time ago I learned not to explain things to people who are committed to misunderstanding me."

Kalakip nito ay isang smile emoji na tila nagpapahiwatig na deadma na lang siya sa kung anumang isyung iyon. 

Sang-ayon ang boyfriend ni Angel na si Neil Arce sa posisyon ng Kapamilya actress.

Base ito sa fisted hand sign at kisses emojis na ikinomento ni Neil.

Ilan pang nagustuhan ang pahayag ni Angel ay ang kaibigan niyang si Dimples Romana at malapit na make-up artist na si Lala Flores.

Napa-comment din sina Marvin Agustin at Vina Morales sa post ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong February 19, nakasaad sa hiwalay na ulat ng PEP Troika at Cabinet Files na diumano'y nag-walkout si Angel sa set ng pinagbibidahan nitong ABS-CBN prime-time series na The General's Daughter.

Naganap umano ang insidente noong February 15.

Iba't ibang bersiyon ang sinasasabing pinag-ugatan ng insidente, pero hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ni Angel tungkol dito.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN