Kim Chiu admits she and ex-BF Gerald Anderson are not friends

IMAGE Shaira Luna / Noel Orsal

Kim Chiu and Gerald Anderson ended their four-year relationship in 2010.


Taong 2010 nang maghiwalay sina Kim Chiu at Gerald Anderson matapos ang apat na taong relasyon.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin daw naibabalik sa dati ang maayos nilang pagkakakaibigan.

Sa guest appearance ni Kim, kasama ang matalik na kaibigang si Bela Padilla, sa Gandang Gabi Vice (GGV) kagabi, February 24, sinabi ng aktres na “pinasaya” naman daw siya ni Gerald.

Sa larawan ni Gerald na ipinakita ni Vice Ganda sa LED screen ng kanyang palabas, tinanong si Kim ng comedian-TV host kung ano ang maaari niyang itanong sa dating nobyo.

Maiksing sagot ni Kim, “Kumusta ka?”

Tinanong muli siya ni Vice kung bakit "kumusta ka" ang nais niyang itanong sa ex-boyfriend.

Kasunod nito, kinantahan nina Bela at Vice si Kim ng awiting "Bakit Labis Kitang Mahal" ni Lea Salonga.

Diretsong sagot ni Kim, “Hindi kami nagkukumustahan kasi.”

Dagdag pa niya, “Kumusta na siya sa mga panahon ngayon.”

Gusto rin daw ni Kim na nasa maayos na kalagayan ang dating iniirog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ang magandang relasyon nina Kim at Gerald sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006, kung saan si Kim ang itinanghal na Big Winner, samantalang Third Big Placer naman si Gerald.

Paglabas nila ng Bahay Ni Kuya, binuo ang kanilang love team na kalaunan ay nakilala sa tawag na Kimerald.

Naging hit ang mga teleserye nilang Sana Maulit Muli (2007), My Girl (2008), at Tayong Dalawa (2009); at sa blockbuster movies na Paano Na Kaya (2010) at Till My Heartaches End (2010).

Taong 2010, nauwi sa bitter ending ang kanilang relasyon, na noong mga panahong iyon ay hindi nila inaamin sa publiko.

Matapos ang ilang taong hiwalayan, nagkasama muli sila sa ilang proyekto.

Sa ngayon, masaya na si Gerald sa piling ni Bea Alonzo, samantalang si Kim kamakailan lang ay umamin sa relasyon nila ni Xian Lim.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN