Nadine Lustre says she learned to accept herself thanks to relationship with James Reid

IMAGE Nadine Lustre Instagram

Nadine Lustre on three-year relationship with James Reid: "Sobrang ano po kami e… wala, sobrang relax, and hindi ko rin madi-deny love na love din namin ang isa't isa. And so far, so good, wala naman pong serious issue, masaya lang po kami talaga."


Ibinahagi ni Nadine Lustre, 25, ang sikreto kung bakit nananatiling matatag ang relasyon nila ng boyfriend na si James Reid, 25.

Mahigit tatlong taon na silang magkasintahan ng Filipino-Australian actor.

Nakangiting pahayag ng aktres, “Actually, give and take, adjustments, siyempre iba naman po yung culture nila doon, iba rin po sa atin. 

“Kaming dalawa, nag-adjust kami, very understanding kami both, hindi kami yung kuha ka lang nang kuha.

“Kunwari, ayaw ko siyang pumunta sa ganito, sabihin ko huwag.

“No, parang hindi rin kami strict sa isa’t isa.

“Ang pinakagusto ko sa relationship namin, we both grow, hindi lang po together, apart and with our relationship as well.

“And I think that’s the best part.”

Pagpapatuloy niya, “Sobrang ano po kami e… wala, sobrang relax and hindi ko rin madi-deny love na love din namin ang isa’t isa.

"And so far, so good, wala naman pong serious issue, masaya lang po kami talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya nag-grow sa relasyon nila ni James?

Saad ni Nadine, “I think ang pinakamalaking nagawa sa akin ng relationship is I learned to accept myself.

“Kasi before, marami po akong insecurities, ang dami ko pong problema, parang palagi po akong stressed and all.

“Pero nung naging kami po ni James, parang natutunan kong mag-relax. ‘Tapos mag-enjoy lang, let go lang, enjoy life.”

Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa mediacon ng pelikulang Ulan, na ginanap sa The Felicidad Mansion, Quezon City, noong Sabado, February 23.

"JUST RELAX AND LOVE LIFE" 

Marami ang nakapansin sa malaking pagbabago ni Nadine sa kanyang personality, lalo nang yakapin niya ang kanyang sensuality sa pamamagitan ng pagpu-post ng bikini photos niya sa Instagram.

Paliwanag ng Viva artist, “Opo, kasi yun nga po kasi, I learned to accept myself, flaws and all.”

Pangkalahatan ang isinagot ni Nadine nang tanungin kung ano ang nagawa niyang pagbabago kay James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Actually, ang pinaka-important naming natutunang dalawa is to just relax and love life. 

“Yun lang talaga, na parang kaming dalawa, walang bad vibes sa amin. Hindi rin kami yung parang nagbibigay ng bad vibes sa iba.

“Wala sa amin yung may kaaway-away… yung ganun.

“Wala, wala po talaga… hindi nga po kami ganun. Talagang relax lang kaming dalawa.”

Kahit tampuhan?

Mabilis na sagot ni Nadine, “Hindi po.  Saka natutunan ko rin po kasing maging open sa kanya. Lahat ng naramdaman ko, sini-share ko. 

“Kasi, before po, nasanay po ako na itatago ko yung mga nararamdaman ko.

“So, eventually, nagba-bottle up po ako na parang mag-i-explode na lang one day.

“Pero ngayon po kasi, parang pag may problema po ako, sinasabi ko po sa kanya, siya ang tumutulong sa akin.”

Maging selos ay hindi raw naging isyu kina Nadine at James kailanman.

Pagpapatunay ni Nadine, “Wala po talaga. Talagang relax lang kaming talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti naman si Nadine nang tanungin ng PEP.ph kung anu-ano ang kilig moments niya sa tatlong taong relasyon nila ni James.

“Gusto ko po kasi yung mga little things lang,” nagniningning ang mga matang saad ng dalaga.

Patuloy niya, “Yung kagaya po nung nag-anniversary kami, nag-The Farm kami. 

“Yung mga jokes lang, hug lang, very touchy… Yung mga malilit na bagay lang.

“Hindi rin po ako yung klase ng tao na gusto yung bongga.

“Gusto ko po ng simple at maliliit na bagay lang. 

“I think that’s what matters, e. ‘Tapos consistent. He’s very consistent.”


Stories We Are Tracking

James, Nadine quietly celebrate third anniversary
James, Nadine quietly celebrate third anniversary
James Reid does not mind Nadine Lustre's sexy photos
James Reid does not mind Nadine Lustre's sexy photos
James experiences different kind of love with Nadine
James experiences different kind of love with Nadine

THE LOST NECKLACE

Most memorable gift na ibinigay ni James?

Matamang nag-isip si Nadine bago sinabing, “Material things sana ang sasabihin ko kaya lang nawala ko po siya, e. 

"Actually, binigyan niya po ako ng necklace na nakalagay ‘Always.’ Kaya lang, nawala ko sa Japan."

Nagalit o nagtampo ba si James?

“Hindi naman po,” agad niyang sagot. "It happens."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Nadine, “Ako yung na-frustrate. Ako po kasi, yung mga bagay na ibinibigay sa akin, very sentimental po sa akin yung value nun.”

Patuloy pang lahad ni Nadine kung paano nawala ang kuwintas, “I think 2017 yun. 

“Kasi nag-shoot po kasi ako, nilagay siya sa tissue, ‘tapos nilagay sa bag ko. So, akala ko basura.

“So, nung nag-Japan po kami, naitapon ko ata yung tissue.”

Kailan ibinigay ni James yung necklace?

“I think ibinigay niya po sa akin, February 2017, nawala ko po October, months lang. Nakakapanghinayang.”

Bukod sa material things, mga bagay na hindi nabibili ng pera ang itinuturing ni Nadine na mahalaga para sa kanya.

Saad niya, “I guess, kung hindi po material, yung support na ibinibigay niya sa akin.

“Especially nung namatay po yung brother ko, sobrang hirap po nun. Kasi po yung mood swings, iba.

“’Tapos, para akong baliw nung time na yun na hindi ko alam kung okey ba ako o hindi. Depressed po ako nun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang pinaka-memorable na regalong ibinigay niya kay James?

“Uhm, ano ba… Hindi kasi siya materialistic. 

“Kasi po, ang ibinigay ko sa kanya, hindi material things.

“Parang iniisip ko kung ano yung material things na ibinigay ko sa kanya, wala po, e. Puro mga gestures.”

Isa sa gestures na tinutukoy ni Nadine na gustung-gusto raw ni James ay ang pag-aasikaso niya sa kasintahan, gaya ng pagluluto.

“Mga ganun po. Sinigang ang favorite niya,” banggit ni Nadine.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN