Ai-Ai delas Alas responds to netizen urging her to return to ABS-CBN

IMAGE @msaiaidelasalas Instagram

Based on the emojis Ai-Ai delas Alas used to reply to a netizen urging her to remain with GMA-7, it looks like the actress has no plans of switching networks.


Nawawala na nga ba sa limelight si Ai-Ai delas Alas?

Ito ang obserbasyon ng isang netizen tungkol sa career ng 54-anyos na aktres kaya hinimok niya itong bumalik na sa ABS-CBN.

Nagsimula ito nang mag-post sa Instagram si Ai-Ai ng picture nila ni Marian Rivera, na kuha sa baby shower ng huli nitong February 24, Linggo.

View this post on Instagram

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Sa comments section, isang netizen ang nagsabi kay Ai-Ai: “@msaiaidelasalas bakit ganun. parang nawawala ka na sa limelight. balik ka na sa abs cbn”

Sinagot naman ito ng komedyante: “@lukas_agnes10 sa abs siguro kasi kayo nanonood taga gma na po ako”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang tagasuporta naman ni Ai-Ai ang nagtanggol sa kanya.

Nagkomento itong pinapanood nila ang Comedy Queen sa Sunday PinaSaya (SPS), ang Sunday comedy-variety show sa GMA-7 kung saan kabilang si Ai-Ai.

Sumagot naman dito si Ai-Ai.

Aniya: “@nidzangelmarie oo nga hahah kahapon nasa eat bulaga ako kanina naman live ako sa sps hehe kaloka”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, isa pang netizen ang nagsabi kay Ai-Ai na huwag na siyang bumalik sa ABS-CBN.

Thumbs up at heart emojis ang isinagot dito ng aktres.

April 2015 nang pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Ai-Ai, pagkatapos ng halos 17 taon sa ABS-CBN.

Nagsimula si Ai-Ai sa Kapuso Network noong 1991 at lumipat sa ABS-CBN noong 1998.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN