Miss Universe 2018 Catriona Gray pays courtesy call on VP Robredo, Senate, DOT

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe 2018 Catriona Gray pays courtesy visits to Vice President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto and other senators, and Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat. 


Naging abala si Miss Universe 2018 Catriona Gray ngayong araw ng Martes, February 26, dahil punung-puno ang kanyang schedule.

Sinimulan niya ang kanyang araw sa pamamagitan ng courtesy call kay Vice President Leni Robredo sa opisina nito sa Quezon City Reception House kaninang umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Vice President Leni Robredo & Miss Universe 2018 Catriona Gray
 IMAGE VP Leni Robredo Facebook

Kasunod nito, pumunta si Catriona sa Senado upang mag-courtesy visit sa mga senador.

Ginawaran siya ng isang resolusyon, sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto, kung saan binigyang importansiya ang kanyang “outstanding performance” sa Miss Universe 2018 pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Catriona Gray with Senators Tito Sotto, Nancy Binay, and Gregorio Honasan
 IMAGE Senate of the Philippines Facebook

Nakapaloob din sa Senate Resolution No. 140 ang pagkilala sa kanyang “great honor, glory, and recognition” sa pag-uwi ng korona para sa Pilipinas noong Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand.

Kasunod nito, sa Department of Tourism (DOT) office naman sa Makati City nag-courtesy call si Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat with Miss Universe 2018 Catriona Gray.
 IMAGE Noel Orsal

Naging malaking bahagi ng turismo ng bansa ang ipinakilala ni Catriona sa mundo sa kanyang Miss Universe 2018 pre-pageant videos.

Sa kanilang pag-uusap ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inaalala nila ang isang nakakatawang insidente noong October 2018.

Pumunta kasi si Catriona sa opisina ni Puyat upang magpa-makeup sa pareho nilang make-up artist upang hindi siya mahuli sa kanyang lakad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

CATRIONA’S SHORT MESSAGE

Sa short program na ginanap sa conference hall ng DOT, sinabi ni Catriona na ang turismo talaga ang isa sa kanyang passion.

 IMAGE Noel Orsal

Sabi niya, “Promoting the Philippines is really what I’m very passionate about."

Malaking bahagi raw ng kanyang reign ang ilalaan ni Catriona sa pagpapakilala sa magagandang tanawin at tourist destinations sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Samantala, ayon naman kay Secretary Puyat, pag-uusapan pa nila ng Miss Universe Organization ang schedule ni Catriona para bumalik sa bansa upang mag-travel sa buong Pilipinas.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN