Loisa Andalio, Ronnie Alone put a stop to third-party rumor with female netizen

IMAGE @hashtag_r2a / @iamandalioloisa Instagram

Amid social media controversy, Ronnie Alonte assures girlfriend Loisa Andalio that she's the girl he wants to spend his life with: "Pangarap ay makasama ka hanggang dulo. Kaya sa mga sira ulo? Neknek niyo."


Tinuldukan na ng magkasintahang Loisa Andalio, 19, at Ronnie Alonte, 22, ang bali-balitang nag-uugnay sa aktor sa isang female netizen.

Ito ay tatlong araw matapos kumalat sa social media ang diumano'y pagpapadala ng mensahe ni Loisa sa isang female netizen na sinasabing nakikitang kasa-kasama ni Ronnie.

Hindi na idinetalye nina Loisa at Ronnie ang pinagmulan ng kontrobersiya.

Pero unang naghayag si Loisa na hindi sila magpapatinag ni Ronnie sa kung anumang paninira na ibinabato sa kanilang relasyon.

Makahulugang saad ni Loisa sa kanyang Instagram post kagabi, February 26:

"May mga taong gusto tayo sirain at saktan, wag na wag tayong magpapa apekto.

"Kung sino ang laging binababa ng kapwa, siya ang tinataas ng Diyos."

Matapos ang isang oras, inihayag naman ni Ronnie na tanging si Loisa ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Kaya sorry na lang daw sa mga "sira ulo" na nanggugulo sa kanila.

Kalakip ng Instagram post ni Ronnie ang litrato nila ni Loisa na kuha sa loob ng isang sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pangarap ay makasama ka hanggang dulo. Kaya sa mga sira ulo? Neknek niyo," ani Ronnie, na naglagay pa ng tongue sticking out emoji sa kanyang post.

ALLEGED EXCHANGE WITH FEMALE NETIZEN

Noong Sabado, February 23, isang female netizen ang naglathala ng screenshots ng Instagram direct messages na diumano'y mula kay Loisa.

Gamit ang Instagram handle na @iamandalioloisa, makikitang sunud-sunod ang pagtatanong nito sa female netizen kung totoo ba ang bali-balitang nakikipagkita si Ronnie rito. 

Pero seen-zoned lang ng female netizen si @iamandalioloisa.

Sa halip na sagutin ang aktres, ipinost ng female netizen sa Facebook ang umano'y "triggered" messages ni @iamandalioloisa sa kanya.

At press time, walang direktang pahayag si Loisa kung siya nga ba ang @iamandalioloisa na sumubok makipag-usap sa female netizen.

TWO YEARS AND THREE MONTHS

Sa kabilang banda, bukas sina Loisa at Ronnie sa pagsasabing two years and three months na silang magkarelasyon.

Ibinunyag nila ang tungkol dito nang magdiwang sila ng kanilang second anniversary noong November 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumaan na rin sa pagsubok ang relasyon nila nang magkaroon sila ng anila'y "pinaka-worst" na alitan noong July 2018.

Hindi nila idinetalye kung ano ang pinagmulan ng kanilang away noon.

Ang tanging siniguro noon nina Loisa at Ronnie ay walang katotohanan ang intrigang may kinalaman ito sa umano'y panloloko ng aktres.

Ikinagalit pa noon ni Ronnie ang malisyosong paninira sa kanyang girlfriend.

Pareho raw kumpiyansa ang magkasintahan kung gaano nila kamahal ang isa't isa.


Stories We Are Tracking

Loisa defends Ronnie's kanto boy way of dealing with bashers
Loisa defends Ronnie's kanto boy way of dealing with bashers
Ronnie defends not saying
Ronnie defends not saying "I love you" to Loisa Andalio
Loisa posts photos with BF Ronnie
Loisa posts photos with BF Ronnie "nung nagtatago pa tayo"
Loisa Andalio holds hands with Dingdong instead of Ronnie
Loisa Andalio holds hands with Dingdong instead of Ronnie


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN